Thalia sobrang bata pa sa pagdiwang kanyang 50th birthday

Sino ba naman ang makakalimot sa orihinal na aktres na gumanap bilang Marimar, Rosalinda at Maria Mercedes? Siya ay ang Mexican actress na si Thalia o Ariadna Thalía Sodi Miranda Mottola sa totoong buhay.

Imahe: Kapamilya Online World/Facebook

Mahigit dalawang dekada na ang nakaraan noong unang ipinalabas ang Marimar ngunit nananatili pa rin ito sa alaala lalo na ng mga batang 90’s. Sa katunayan, mayroon pa ngang mga remake na ginawa na hango sa teleseryeng ito.

Ngayon, naging viral ulit si Thalia nang kumalat ang larawan niya ng selebrasyon ng kanyang ika-50 na kaarawan. Marami ang humanga sa aktres dahil halos walang ipinagbago ang kanyang kagandahan at kaseksihan kahit maraming taon na ang lumipas.

Imahe: Thalia/Instagram

Sa mga larawan na ini-upload ng aktres sa kanyang Instagram account, makikita na nakasuot ito ng bathing suit na stripe na pink, orange at black ang itaas na bahagi at yellow naman ang sa ibaba. Nag-pose ang aktres sa gitna ng malaking number 5 at 0 na puno ng mga dekorasyong lobo.

Imahe: Thalia/Instagram

Sa poolside kuha ang mga larawang ito ni Thalia at malaki ang pasasalamat ng aktres sa mga biyayang kanyang patuloy na tinatamasa sa kabuuan ng kanyang karera bilang aktres at singer. Umabot na nga sa isang milyon ang nag like sa post na ito ni Thalia.

Imahe: Kapamilya Online World/Facebook

Dahil nga sa pagviral ng mga larawang ito, hindi na rin naiwasan ng marami na mag-upload ng mga throwback photos ni Thalia at ikumpara ito sa mga bago niyang larawan. Kitang-kita nga naman na mistulang hindi nadagdagan ng ilang dekada ang edad ng sikat na Mexican actress.

Imahe: Kapamilya Online World/Facebook

Siya ay nananatili pa ring si Marimar , Rosalinda at Maria Mercedes sa mata ng marami.