Nadine Lustre, ibinahagi ang mga memes sa kanyang viral photo sa Siargao

Natural na sa mga artista ang palaging makunan ng larawan kahit pa sila ay nagbabakasyon o di kaya ay kahit naglalakad lamang sa kung saan. Kaya naman kadalasan ay hindi na rin nakakagulat na marami sa mga larawang ito ay mabilis na kumakalat sa social media.

Imahe: Arah Mae Conte/Facebook

Isa na nga rito ang larawan ng aktres at singer na si Nadine Lustre. Gabi noong August 24 ng unang ini-upload ng netizen na si Arah Mae Conte sa kanyang Facebook account ang larawan ng aktres na bumibili ng isang brand ng sauce sa isang tindahan sa General Luna, Surigao del Norte.

Imahe: Facebook

Nakasuot ng kulay brown na bra ang aktres at naka maong naman sa pang-ibaba. Kitang-kita na walang kolorete sa mukha ang aktres at wala rin itong kasamang manager o sino pa man.

Imahe: Facebook

Dahil nga mabilis na kumalat ang larawang ito, mabilis din na naglipana ang iba-ibang meme na gawa ng ating mga kababayan.

Imahe: Facebook

Marahil ay natuwa rin sa mga ito ang aktres kaya naman ibinahagi rin niya ito sa kanyang Twitter account.

Imahe: Facebook

Mayroong mga larawan na nakasunod ang ilang tao kay Nadine sa pila para sa pagbabayad sa cashier. May isa pang pinalitan ang mukha ng aktres ng kanyang mukha mismo.

Imahe: Facebook

Dahil nga isang uri ng sarsa ang nakitang binili ng aktres, mayroon ring nag-edit na nasa isang birthday party ang aktres at katabi nito ang humihiwa ng Lechon.

Imahe: Facebook

Hindi rin syempre nawala ang isang netizen na ito na kinopya pa ang suot ni Nadine at ang “pose” ng aktres sa naturang viral na larawan.

Imahe: Facebook

Sa nakaraang buwan, maraming netizens ang nagbahagi ng kanilang personal na mga kuhang larawan kung saan makikita ang aktres kasama ang ila nitong mga kaibigan habang nasa Siargao.