Karen Davila sobrang nagulat sa kanyang nalaman tungkol kay Lyca

Halos araw-araw ay iba-ibang mukha nga mga tao ang bigla na lamang nagiging sikat na meme sa social media. Maaring ang mga nasa larawan ay dati nang sikat o di kaya’y ordinaryong mamamayan lamang na sadyang nakuhanan ng larawan o video na itinuturing ng karamihan na meme-worthy.

Imahe: Karen Davila/Youtube

Ang viral clip na nga ng isang sikat na newscaster na si Karen Davila at singer na si Lyca Gairanod ang pinakabagong dagdag sa libo-libong memes sa internet.

Laganap na nga ang screenshot mula sa video ng dalawa kung saan gulat na gulat si Karen habang nakatakip ang kamay sa kanyang bibig habang si Lyca naman ay kitang-kita rin ang tila hindi maipintang reaksyon habang nakatingin kay Karen.

Imahe: Karen Davila/Youtube

Sa naturang clip, una ay tinanong ni Karen si Lyca kung kailan ang kanyang kaarawan, sagot naman ng singer na “November 21 po.” Biglang nagulat rito si Karen dahil eksaktong magkapareho pala sila ng kaarawan ni Lyca.

Imahe: Facebook

Samantala, ang maikling clip pala na ito ay kuha mula sa vlog ni Karen ukol sa kanyang pagbisita sa Tanza, Cavite upang kamustahin ang pamumuhay ni Lyca matapos siyang nahirang bilang unang champion ng The Voice: Kids.

Mapapanood ang buong vlog ni Karen Davila rito:

Sa kabilang dako naman, matapos ngang umulan ng memes gamit ang screenshot mula sa video na ito ni Karen, hindi na rin niya napigilang magbigay ng reaksyon gamit ang kanyang Twitter account. Ayon sa reporter, maging siya mismo ay tawang-tawa rin sa mga nakikita niyang memes na ginamit ang kanyang mukha.