Nung walang-wala siya, kaibigan ang sumalo sa kanya, nang makaahon sa buhay…

Si Mila ay matagal na nagtrabaho sa Pilipinas bilang empleyado ng gobyerno. May desenteng kita sana sya kung hindi lang sya lagmak sa loan. Halos wala nang natira sa buwanang sahod nya. Dagdag pa dyan ang gastos sa pag-aaral ng tatlong anak nya na mabuti na kapag maabutan ng suporta paminsan-minsan galing sa kanilang ama. kapos ang pang araw-araw nilang mag-anak kaya naman todo rescue yung mga kaibigan sa trabaho.

“Ayan, huling pera ko na yan, bayad mo muna sa tuition ng anak mo. Bayaran mo agad pagrenew mo ng loan ha.” Ani ni Jenny nang ilapag ang envelope sa mesa.

For illustration only.

“Papano na lang ako kung wala ka. Will really try na masauli ito sa oras. Alam kong may pinaglala-anan ka rin.”
Umalis agad si Mila patungong paaralan para mabayaran ang tuition nang makakuha ang anak ng exam.

Kinabukasan, sa office pagdating niya…

“Happy birthday to you, happy birthday to you..” Masigabong pagkanta ng mga kabarkada ni Mila sa pasorpresang paghanda nila para sa kaibigan.

“Hindi ko inexpect ito. Bakit nag-abala pa kayo?” Maiyak-iyak na sambit niya habang tinitingnan ang buong sulok na puno ng balloons at banner.

“Wag ka ng magdrama. Hipan mo nalang to (ang cake) at makakain na ang lahat. Gutom na kaya kami kaantay sayo.” Wari ni Andy na syang pinakamatanda sa lahat.

“Pagdating ng loan ko, babawi ako.”

“Naku, wag na, imbes na bumawi ka dagdag mo nalang grocery ng mga anak mo at nang maibsan mga problema mo.” Sambit ni Jona na syang pinaka straight forward sa grupo.

“Pagnatuloy akong abroad, tiyak makakabawi ako sa inyo.” Siyang sabi ni Mila na ilang buwan ng nag-aapply sa isang pribadong kompanya sa America.

“Yan, aasahan talaga namin yan.” Lalo na yung size 6 kung sapatos, Balenciaga bag at Victoria Secret na panty.” Pangiti na banat ni Gwen na siyang fashionista at maganda sa kanila.

“Sakin kahit lipstick nalang kung meron.” Pahabol ni Jenny, ang pinakamalapit sa ulirang si Mila.

Pagkalipas ng isang buwan natanggap ni Mila ang good news. Isa sya sa mga kabilang sa magpapatuloy ng sunod na interview. Todo suporta ang lahat sa kanyang pagtitiyaga. Lahat ng mga kailangan niya mula application interview at kaakibat na financial na requirements nito ay tinataguyod ng mga kaibigan. Ilang buwan na pagpupuyat at pag-aantay sa wakas, ay nagbunga din nang naipasa niya ang final interview.

Isa na namang dahilan para magdiwang sa tagumpay ng isa ang lahat. Huling pagsasama na nila ang naganap na party dahil pagkalipas nag isang linggo, lumipad na si Mila patungong Amerika.

For illustration only

Naging mabuti ang kalagayan niya doon at patuloy ang pakikipag-ugnayan niya sa mga kaibigan sa pamamagitan ng video call. Habang nandoon sya ang mga kaibigan ay ang patuloy na gumagabay sa mga anak niya. Sila rin ang nagsasaayos ng mga loans nito hanggang sa tuluyan na niyang mabayaran lahat ng mga inutang.

Nakapundar na sya ng lupa at bahay. Masagana na kung ituring ang buhay nya lalo pa’t makikita sa kanyang social media ang mga pamamasyal nya sa iba’t-ibang lugar, pagpopost ng mga mamahaling gamit na nabili at pagkain sa mga magarbong kainan.

For illustration only

Masaya ang mga kaibigan niya sa kanyang naabot sa buhay. Kung sino ang pinakamasaya sa lahat ay siyang matalik nyang kaibigan na si Jenny. Ang siyang Karamay nya sa mga personal na problema habang naghihikahos sa Pinas, refuge nya kapag walan-wala na talaga at di nag-atubuling tumalikod sa kanya kahit sa mga pinakamatitindi nyang hamon. Hanggang sa…

“rrrringgg…rrringgg..” ikatlong missed call ni Jenny kay Mila na busy sa trabaho…

“rrring..rrring..”

“O, Jenny, ba’t napatawag ka? Kumusta?” Bati ni Mila.

For illustration purposes only

“Mila, yung Kapatid ko, Si Jeff, naisugod ng hospital, kailangan ng meju malaking halaga. Kalingan daw kasi niya ng agarang operasyon. Nahihiya sana akong abalahin ka kaso wala na talaga akong malalapitan. Kung makakahintay lang sana to, magrerenew ako ng next kong loan.” Huwag kang mag-alala, babayaran ko sa susunod na buwan.” Nanginginig ni tinig ni Jenny habang nagsasalita.

“Ay ganun ba. Sige tatawag ako mamaya pagtapos ng meeting namin.”

Nag-antay si Jenny hoping na maging positibo ang response ni Mila. Ngunit hindi nya inasahang tatanggi ang kaibigan sa kanya.

“Jen, pasensya na, kakapadala ko lang din sa mga kamag-anak ko, sa susunod na buwan pa ulit ako makakabawi. Sorry talaga.” Aniya ni Mila pagkatapos ay naputol ang linya.

Tinanggap ni Jen ang dahilan ni Mila at naghanap ng iba pang solusyon para sa kapatid. Sa kabutihang palad, nakakita din sya ng magpapahiram sa kanya. Mula noon hindi na sya nag-atubiling humingi ng tulong sa kaibigang si Mila.

This story is a work of fiction, any resemblance to anyone’s personal life story is purely coincidental.