Babaeng minaltrato ng dating asawa, bumangon at nag-glow up na ngayon

Ang pagkakaroon ng pamilya at pagiging ina ay kadalasang sinasabi ng marami na siyang nagku-kumpleto sa kanilang pagkatao at sa pagiging babae. Pero, paano naman kaya kung imbes na maging masaya sa iyong buhay pamilya, mga pasa ang iyong nakukuha araw-araw dahil sa pambubugbog ng iyong asawa?

Imahe: Kapuso Mo, Jessica Soho/Facebook

Ito na nga ang naging karanasan ng isang ina na si Michelle. Ayon sa Facebook post ng Kapuso Mo, Jessica Soho, hindi hamak na pambubugbog ang naranasan ni Michelle sa kanyang dating asawa.

Umagang-umaga ay mayroon na siyang mga pasa dulot ng pagsuntok at pagsakal nito sa kaniyang mukha at sa sikmura. Ang araw-araw na pangyayaring ito tinitiis ni Michelle dahil nais niyang magkaroon ng buong pamilya ang kanyang mga anak. Mas gugustuhin niyang masaktan kaysa mahirapan ang kanyang mga anak.

Imahe: Kapuso Mo, Jessica Soho/Facebook

Pero, dumating na sa pagkakataon na hindi lamang siya ang sinasaktan ng asawa kundi pati na rin ang kanilang mga anak. Ito na ang nag-udyok kay Michelle na gumawa ng paraan upang makaalis sa kanilang tirahan.

Imahe: Kapuso Mo, Jessica Soho/Facebook

Plinano niya ang pag-uto sa kanyang asawa. Pinaniwala niya ito na mag-aabroad siya at kapag naroon na siya, ibibigay niya ang lahat ng gusto at luho nito. Pinayagan naman siyang umalis ng kanyang asawa.

Imahe: Kapuso Mo, Jessica Soho/Facebook

Dagdag pa ni Michelle, pansamantala rin niyang iniwan ang kanyang mga anak sa pangagalaga ng kanyang ina. Simula noon, natuto na si Michelle na ayusin ang kanyang sarili at ang buhay nila ng kanyang mga anak.

Kitang-kita nga naman ang naging glow-up ni Michelle kung ikukumpara ang kanyang mga larawan noong nasa poder pa siya ng kanyang asawa at ang ngayon na natuto na siyang tumayo sa sarili niyang mga paa.

Imahe: Kapuso Mo, Jessica Soho/Facebook

Kung ang iba ang nalulugmok matapos makaranas ng mahirap na pangyayari sa kanilang buhay, ang mga karanasang ito ay ginawang motibasyon ni Michelle upang pagbutihin pa ang kanyang sarili para sa kapakanan ng mahal niyang mga anak.