Ellen Adarna, nagbahagi ng throwback “preggy” photos niya

Si Ellen Adarna ay isa sa mga pinaka-seksing aktres sa industriya ng pag-aartista dito sa Pilipinas. Kilala rin siya sa pagiging prangka sa pagsagot sa mga intriga at sa tanong ng kanyang mga fans sa kanyang social media accounts.

Kaya naman, noong may nag-request sa kanya na magpost ng larawan niya noong buntis pa siya, agad rin itong pinaunlakan ng aktres. Sa kanyang Instagram stories, nag-upload si Ellen ng kanyang preggy body na sinamahan pa niya ng caption na “Whale whale whale… What do we have here?”

Imahe: Ellen Adarna/Instagram

Sa naturang larawan ay nakasuot siya ng kulay brown na damit at kitang-kita ang pagbabago sa kanyang katawan na bunga ng kanyang pagdadalang-tao.

Sa isa pang larawan, makikita naman ang aktres na nagmi-mirror selfie habang kitang-kita ang kanyang baby bump. Nakasuot naman siya rito ng kumportableng damit at kulay brown na coat.

Imahe: Ellen Adarna/Instagram

Si Elias Modesto, na kamakailan lang ay nag-celebrate ng kanyang ikatlong taong kaarawan ay anak ni Ellen at ng aktor na si John Lloyd Cruz.

Sina Ellen at John Lloyd ay naging magkarelasyon simula noong 2017 ngunit nagdesisyon ang dalawa na maghiwalay noong 2019. Sa kasalukuyan, sila ay nasa “co-parenting” set-up para sa kanilang anak na si Elias.

Sa mga larawan at video na ini-upload ni Ellen sa kanyang social media accounts, makikita na isang bibong bata si Elias at hindi rin maikakaila ang ka-cute-an nito na naman niya nga sa kanyang mga magulang.

Sa kasaluyan, si Ellen ay engaged na sa aktor na si Derek Ramsay at inaabangan na rin ng mga fans ang kanilang magiging kasal.