Food delivery rider, natumba na nga, inuna pa rin ang order ng customer bago ang sarili

Ngayong patuloy ang pagharap natin sa pandemya ay siya rin ang paglago at pagtangkilik ng mga tao sa iba-ibang online shopping site at apps. Dahil nga rito, marami sa ating mga kababayan ang pumasok na sa trabahong delivery rider para mayroon silang pantustos sa pangangailangan ng kani-kanilang pamilya.

Pero, kagaya ng lahat ng uri ng trabaho sa mundong ito, ang pagiging food delivery rider ay mayroon ring kaakibat na kahirapan. Sa kabila nito, patuloy pa rin sila sa pagseserbisyo sa nakararami.

Imahe: Artikulo Uno

Kagaya na lamang ng isang delivery rider na ito na sobra-sobra ang dedikasyon sa kanyang trabaho. Ayon sa Artikulo Uno, ang naturang delivery rider ay nakuhanan ng litrato habang bumabyahe ito sa Malaysia.

Sa naturang mga larawan, makikita na kahit malakas ang buhos ng ulan, patuloy sa pagkakayod ang delivery rider. Bakas rin sa pagkakayuko na kanyang ulo na tila pagod na ito sa maghapong pagtatrabaho.

Sa susunod pang larawan, makikita na natumba ang sinasakyan nitong motorsiklo kasabay ng pagkakalaglag din ng rider mula rito.

Imahe: Artikulo Uno

Ngunit, hindi pa nag-iilang minuto ay mabilis na bumangon ang rider na tila walang nangyari at nagpatuloy ito sa pagta-trabaho. Inuna niya pa ang kapakanan ng customer na kanyang hahatiran ng pagkain kaysa ang kanyang sarili.

Kaya naman, hindi na nakapagtataka na agad na hinangaan ng marami ang delivery rider na ito. Siya ay isang buhay na patunay na ang mga taong may dedikasyon at pagmamahal sa kanilang trabaho ay hindi kailanman susuko sa anumang pagsubok na dumating sa kanila. Sa halip, patuloy lamang silang lumalaban sa hamon ng buhay.