Gender reveal idinaan sa wrestling ng baby boy at baby girl mascot

Para sa mga mag-asawang naghihintay ng paglabas ng kanilang anak, importante na malaman ang kasarian nito para makabili sila ng kaukulang mga kagamitan at maihanda rin ang kanilang mga sarili sa pag-aalaga rito.

Dahil nga rito, marami ang nagkakaroon pa ng gender-reveal na mga party kung saan ang mga mag-asawa at naghihiwa ng cake, nagpapaputok ng lobo, o di kaya ay nagpapaulan ng confetti kung saan makikita ang kulay na sumisimbolo sa kasarian ng kanilang magiging anak.

Imahe: Jm Castillo/Facebook

Pero, ang isang Facebook user na si Jm Castillo ay nagbahagi ng isang video kung saan sadyang napaka-unique ng napiling gender reveal party ng isang mag-asawa at ito ay ang wrestling ng isang baby boy at baby girl.

Imahe: Jm Castillo/Facebook

Sa naturang video, dalawang baby mascot ang makikitang pumasok sa ring. Ang isa sa kanila ay kalbo at mayroon pang blue na pacifier sa kanyang bibig. Ang isa naman ay nakatali ang buhok at nakasuot ng pink na panyo sa kanyang leeg.

Sa labas ng ring, makikita naman ang mag-asawa, kanilang pamilya, iba pang kamag-anak at mga kaibigan. Kalaunan, nagsimula na nga ang wrestling match.

Imahe: Jm Castillo/Facebook

Agad namang sinubukan ng dalawang baby na mapatumba ang isa’t-isa. Umabot pa nga sa pagkakataon na gumamit ng silya ang baby girl para ipalo sa baby boy. Sa kabila nito, nakabangon pa rin ang lalaki kaya tuloy lang ang laban.

Imahe: Jm Castillo/Facebook

Maya-maya pa, umakyat pa siya sa isang hagdan para sana daganan ang kanyang kalaban pero hindi ito ang nagyari dahil napigilan na siya ng lalaki bago pa niya ito nagawa.

Patuloy silang naglabanan hanggang sa dumating ang panahon na natumba muli ang baby boy at diti na nga nagsimulang bumilang ang referee. Knock-out ang hatol at panalo na si baby girl.

Imahe: Jm Castillo/Facebook

Noong inanunsyo na ang nanalo, may kulay pink na usok at confetti rin na makikita. Lumapit rin si baby girl sa pwesto ng mga magulang na masayang nagsasayawan dahil sa wakas ay nalaman na nila ang kasarian ng kanilang anak.

Mapapanood ang buong video rito: