Video: Kiko Matos, sapul sa suntok ni Redon Labador

Kung inaakala niyong sa boxing ring lang tayo makakakita ng live na suntukan, diyan kayo nagkakamali. Kamakailan lang ay naging viral ang maikling video clip kung saan sinuntok ng Filipino motivational speaker, negosyante at vlogger na si Redon Labador ang aktor na si Kiko Matos.

Sa naturang video clip, makikita na nasa isang event ang dalawa na Battle of Youtubers. Maya-maya pa, makikitang inaasar ni Matos si Labador sa pamamagitan ng mga salita at galaw ng kanyang mga kamay. Unti-unti namang lumalapit sa likod ng aktor si Labador hanggang sa hindi na ito nakapagtimpi at sinapak na ang ulo ni Matos.

Imahe: Facebook

Dahil nga maraming tao ang naroon sa event, agad namang naawat ang dalawa. Kasama pa sa mga umawat ang vlogger at ‘diss king’ na si Mark Jayson Roger Warnakulahewa or mas kilala sa tawag na Makagago.

Samantala, dahil agad na kumalat ang maikling video na ito, hindi rin naiwasan ng netizens na magbigay ng kani-kanilang opinyon. May mga nagsabi na nararapat lamang ang nangyari kay Matos dahil masama raw ang ugali nito.


May iba naman na pumuri pa sa “lakas” umano bg aktor dahil hindi man lang ito natinag at agad pang nakatayo matapos ang isang malakas na hampas sa ulo nito. Inulan ng meme at binansagang “Legendary Konyat” ang nasabing salpukan ng dalawa kaya’t mas lalong nag-init si Kiko at ’tila ay naghahamon pa ng away.

Imahe: Facebook

Kung matatandaan, hindi ito ang unang beses na nasangkot sa isang iringan si Matos. Ayon sa Filipino Today, dati na nitong hindi nakasundo ang aktor, negosyante, modelo, resource speaker, amateur artist at ngayon ay aspiring poet na si Baron Geisler.

Sa katunayan, sa pelikula nilang “Beastmode”, marami ang nagpapatunay na totohanan ang naging MMA fight scene ng dalawa.