Macho dancer kumikita ng 30k sa isang gabi na show online

Simula noong nagkaroon ng pandemya, maraming mga negosyo ang nagsara na naging dahilan rin upang marami sa ating mga kababayan ang mawalan ng trabaho at kabuhayan.

Pero, sa kabila nito, ika nga nila ay patuloy lang ang laban. Ito na nga ang naging kwento ng pagbangon ng isang lalaki na nagtatrabaho sa mga bar na si “Evo Martin.”

Imahe: Kapuso Mo, Jessica Soho/Youtube

Sino ba naman ang mag-aakala na ang kanyang trabaho bilang isang macho dancer ay pwede rin palang “work from home.” Kwento ni Evo sa Kapuso Mo, Jessica Soho, umaabot sa PHP 30,000 ang kanyang kita sa isang gabi lamang.

Imahe: Kapuso Mo, Jessica Soho/Youtube

Bago pa man nagka-pandemya, ito na ang trabaho ni Evo at kailanman ay hindi niya ito ikinahihiya dahil ito ang tumulong sa pamilya niya upang makabangon sila sa buhay. Natubos niya ang kanilang lupa na halos isang milyon ang presyo at napaayos niya na rin ang kanilang bahay sa pamamagitan ng kanyang trabaho.

Imahe: Kapuso Mo, Jessica Soho/Youtube

Ngayon ngang naka work from home siya, sa pamamagitan ng zoom siya nagsasayaw at ang kanyang mga customer ay nagbibigay ng tip sa kanya gamit ang bank at online transfer.

Matatandaang kamakailan lamang ay nag-trending rin online ang advertisement ng isang bar kung saan naghahanap sila ng mga macho dancer. Nag-ooffer ang naturang bar ng bawat gabing sweldo na aabot raw sa PHP 55,000.

Imahe: Kapuso Mo, Jessica Soho/Youtube

Napakalaking halaga na nito at dala na rin ng hirap maghanapbuhay sa panahon ngayon, agad inulan ng audition videos ang sari-saring social media websites. Lahat ay nagnanais na mabigyan ng pagkakataon na makapaghanapbuhay.