Mader Sitang, ipinakita ang kanyang “new face”

Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa sikat na Thai internet sensation na si “Mader Sitang?” Siya ay unang sumikat noong 2018 dahil sa kanyang signature hair-flipping dance moves na pumatok sa iba’t ibang bansa sa Asia, lalo na sa Pilipinas.

Sa katunayan, umabot pa nga sa panahong binisita ni Mader Sitang ang Pilipinas noong October 2018. Matapos ang halos tatlong taon niyang pamamayagpag sa social media, nagbahagi si Mader Sitang ng bagong update sa kanyang buhay at ito ay ang kanyang “New Face.”


Sa kanyang Instagram account, ibinahagi niya ang latest niyang mga larawan, dalawang linggo matapos niyang sumailalim sa cosmetic surgery procedure sa Lelux Hospital, Nonthaburi, Thailand.

Sa naturang mga larawan, kitang-kita ang pagkawala ng mga kulubot sa mukha ni Mader Sitang, mistula ring bumata ng ilang taon ang kanyang hitsura. Dagdag pa rito, natupad na rin ang pangarap niyang V-shaped face.

 

Imahe: PEP

Dahil nga ilang linggo pa lamang ang nakakaraan matapos ang kanyang clinical procedure, halata pa ang pamamaga ng kanyang mukha.

Ayon sa PEP, simula noong kabataan niya, si Mader Sitang ay naging biktima na siya ng bullying dahil sa kanyang physical appearance. Isa ito sa mga naging dahilan niya upang sumailalim sa cosmetic surgery para sa kanyang mukha.

Siguradong kaabang-abang na naman ang mga susunod na araw o linggo dahil tiyak na magbibigay ng bagong update si Mader Sitang sa development ng kanyang bagong mukha lalo na yung wala ng mga pamamaga rito. Siguradong mag-uupdate siya nito sa kanyang mga social media account.