Profile sa FB vs National ID: Babae, nagulat sa larawan sa kanyang “National ID”

Ang pagkakaroon ng ID card o Identification Card ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng isang tao sa pagta-transaksyon sa mga opisina, pribado man ito o pag-aari ng gobyerno. Ang maliit na card na ito ay naglalaman ng mga importanteng detalye ng isang tao kasama na rito ang pangalan, address at kanyang kaarawan.

Pero, dito sa Pilipinas, kadalasan ay pahirapan ang pagkuha ng ID sa mga tanggapang nagbabahagi nito, bukod sa mahabang pila, ilang buwan o taon pa ang hinihintay para makuha ito.

Imahe: Philippine Statistics Authority

Kaya naman, ang bagong proyekto ng gobyero na Philippine Identification System ID (PhilSys ID) o tinatawag ding Pambansang Pagkakakilanlan ang opisyal na National ID card para sa mga Pilipino ay naglalayong mapadali ang mga transaksiyon mapa-pribado man o sa gobyerno.

Ang isang netizen na si Manelyn Barredo Biarcal ay ibinahagi ang larawan niya sa National ID na umani naman ng sari-saring reaksyon sa mga netizens. Ayon sa post, nagulat siya sa kanyang mukha doon dahil mukha umano siyang 55 anyos sa kanyang ID.

Marami ang natawa sa nangyari at ang iba naman ay ibinahagi ang kanilang naging katulad na karanasan sa ibang pagkakataon ng kanilang pag-aaply sa isang valid ID.

Dahil nga sa pagiging viral ng post ni Biarcal, marami ang nagtanong sa kanya ukol sa proseso ng pagkuha ng National ID. Sinagot niya naman ito sa pamamagitan ng isang post:

“Last year po, May nag HOUSE to HOUSE CENSUS po samin.. Tapos binigyan kami ng papel patunay na naka 1st step napo kami. Yun din po dadalhin namin para sa 2nd step. Tapos Naghintay nlng kami ng announcement para sa 2nd interview. 2nd po, NAG ANNOUNCED LANG PO LGU namin (thru FACEBOOK PAGE) Kung kailan at saan ang venue ng interview para sa 2nd step. After ma announced at after ma 2nd interview namin. Nag hintay nalang kami kung kelan pwedeng makuha ang mga ID’s namin. Di ko po alam anong way ng ibang LGU’s para sa National ID bsta kami dito nag bahay bahay muna sila bago kami nag proceed sa 2nd step.”