Artistang si Bearwin Meily naiyak nang ikwento ang pinagdaanang hirap at natutunan sa buhay

Marami sa ating mga kababayan ang negatibong naapektuhan ng pandemya lalo na kung ang pag-uusapan ay ang kanilang kabuyan at pinansyal na aspeto ng buhay. Isa na nga rito ang kumedyanteng si Bearwin Meily.

Sa isang vlog ng kapwa komedyante at kaibigan niyang si Ogie Diaz, ibinahagi ni Bearwin ang masaklap niyang naging karanasan. Ayon sa aktor, bago pa man raw nagkaroon ng pandemya ay ramdam na niya ang paghihirap sa buhay.

Imahe: Ogie Diaz/Youtube

Kaunti na lamang ang kanyang mga naging proyekto sa telebisyon at natalo pa siya noong tumakbo siya bilang konsehal sa Taytay, Rizal. Kwento pa ni Bearwin, nabili niyang ang itinuturing niyang “dream house” para sa kanyang pamilya bago pa man nagkaroon ng Covid-19.

Mangiyak-ngiyak na si Bearwin habang ikinukwento ang mga pinagdaanan niya. Lalo pa siyang naiyak nang sabihin niyang kinailangan nilang ibenta ang bahay dahil wala na silang pambayad.

Imahe: Ogie Diaz/Youtube

Dagdag pa ng aktor, sa panahong walang-wala na siya, tanging sa diyos siya kumapit at nagsimulang bumangon at magpatuloy sa kanyang buhay.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, sa ngayon, nangungupahan na lamang sina Meily at kaniyang pamilya ngunit para sa kaniya, tila napaganda pa ito dahil hindi na nila masyadong iniisip ang malaking bayarin.

Imahe: Ogie Diaz/Youtube

Ngayon, mayroon nang itinayong corn dog business ang aktor na pinangalanan niyang “Corny Doggy.” Ito ang kanyang naging patunay na kahit anumang dagok ang harapin ng isang tao sa kanyang buhay, hanggang naniniwala at nananalig siya sa Diyos, tiyak na hindi sila pababayaan nito.

“But where I am right now, it’s really a big blessing compared to others. Napapaaral ang anak sa pagluluto,” pahayag ni Meily.