Makaganda, ibinahagi ang pinagdadaanang sakit sa isang emotional na video

Si Makaganda o Caffey Namindang sa tunay na buhay ay isang sikat na vlogger dito sa Pilipinas. Una siyang nabigyang atensyon at nalikha ang kanyang screen name noong palagi siyang nakikita sa vlog ng dati niyang boyfriend na si Merck “Makagwapo” Grey.

Agaw pansin rin ang kanyang kagandahan at kaseksihan na siya namang nagparami pa sa kanyang mga followers.

Imahe: Caffey Namindang/Instagram

Ngunit noong nagtapos ang relasyon ng dalawa noong 2020, nagsimula na ring gumawa ng sarili niyang Youtube Channel si Makaganda kung saan siya nag-uupdate ng kanyang buhay sa mga followers.

Sa latest niyang vlog, isang hindi inaasahang balita ang ibinahagi niya sa mga followers niya. Ito ay ukol sa tunay at masalimuot na sitwasyon ng kanyang kalusugan.

Imahe: Caffey Namindang/Youtube

Halos mangiyak-ngiyak pa si Makaganda habang ibinabahagi ang naging karanasan niya. Ayon sa vlogger, nagsimula raw sumakit ang puson niya isang linggo na ang nakakaraan.

Una raw ay tinitiis niya lamang ito dahil kinakaya niya pa naman. Hanggang sa dumating ang araw na nagkulay dark green na ang kanyang ihi kaya isinugod na siya sa hospital.

Imahe: Caffey Namindang/Youtube

Dito na nga ang at nadiskubre ng mga doktor na mayroon siyang bati sa puson at sa apdo. Ang nasa puson niya raw ay kaya pang gamutin ng antibiotics pero ang nasa kanyang apdo ay kailangan talagang sumailalim sa operasyon.

Kaya naman, nananawagan siya ng panalangin sa mga tao. Maging tagasuporta man niya ito o hindi, sa mahirap na pagkakataong ito sa kanyang buhay, panalangin at suporta ng lahat ang higit niyang kailangan.

Mapapanood ang buo niyang vlog rito: