Legit budol: Babae nagulat sa biglang pagtaas ng bill matapos kumasa sa 24/7 AC tipid tip sa Facebook

Maraming mga group o page sa Facebook ang madalas nagbibigay ng life tips o tipid tips na effective naman para sa marami nating mga kababayan. Pero, ang isang kontrobersyal na tipid tip na ibinahagi ng isang babae sa Facebook group na Home Buddies ay binabatikos ngayon dahil hindi naman daw ito totoo.

Ang tinutukoy namin ay ang viral post ukol sa tipid tips sa paggamit ng inverter na aircon sa bahay. Ayon sa post, mas makakatipid daw kung pananatilihing naka-on ang inyong inverter aircon sa bahay sa loob ng 24 oras. Marami siyang ibinigay na rason ukol dito partikular na ang energy na ginagamit raw ng aircon tuwing ini-on ito.

Imahe: Traze Del Rosario/Facebook

Kaya naman, marami sa mga miyembro ng naturang group ang na-engganyong subukan rin ang tipid tip na ito.

Pero, makatapos ang isang buwan, hatulan na dahil bigayan na ng bill sa kuryente. Maraming netizens ang nagbahagi ng larawan ng kanilang mga bill at halos lahat ng mga ito ay kapansin-pansin ang pagtaas ng bill sa kuryente.

Imahe: Traze Del Rosario/Facebook

Isa na rito ang netizen na si Traze Del Rosario. Sa post na ibinahagi niya sa kanyang Facebook account mula raw sa 4 na libong piso ay umabot sa 7 libo ang naging bill nila sa kuryente.

Biro pa ni Del Rosario, mas magtitipid na daw sila dahil kailangan nilang mag diet para makabayad sila sa kuryente na halos dumoble ang halaga.

Agad na nag trending ang post ni Del Rosario na mayroon pang hashtag na #LegitBudol dahil na budol talaga siya at marami pang iba nating kababayan sa sinasabing tipid tip daw.