Boyfriend ni Rabiya Mateo, binura ang mga larawan ng beauty queen sa kanyang Instagram account

Higit isang linggo pa lamang matapos ang matagumpay na pag-rerepresenta ni Rabiya Mateo sa Pilipinas sa prestihiyosong Miss Universe pageant. Ngunit, tila hindi nawawalan ng intriga ang kanyang buhay dahil usap-usapan ngayon na marahil ay hiwalay na raw sila ng kanyang boyfriend na si Neil Salvacion.

Ang balitang ito ay nagsimulang umugong matapos mapansin ng netizens ang pagbura ni Neil sa lahat ng larawan ng beauty queen sa kanyang Instagram account.

Ang account ni Neil ay mayroon na lamang 13 posts ay kapansin-pansin na wala sa mga larawang ito ang itsura ni Rabiya.

Imahe: Neil Salvacion/Instagram

Partikular na rito ang isang post ng larawan ni Rabiya na may caption na “My Maniwantiwan” na kinakiligan pa noon ng maraming netizens. Ito ay dahil si Maniwantiwan ay dating reyna ng Panay Island at sa naturang post ay inihahalintulad ni Neil sa reyna si Rabiya.

Imahe: Rabiya Mateo/Instagram

Sa kalagitnaan nga ng break-up rumors ng dalawa, nag-post naman sa kanyang Instagram story si Rabiya habang nagla-lunch kasama ang dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Andre Brouillette.

Imahe: Neil Salvacion/Instagram

Matapos ang kontrobersyal na pagbubura ng mga larawan, agad na inulan ng mga tanong ang comments section ng Instagram account ni Neil. Ang mga ito ay mula sa mga fans na sumusuporta sa relasyon ng dalawa at labis na malulungkot kung sakali mang maghiwalay sila.

Imahe: Neil Salvacion/Instagram

Matatandaang hindi itinatago ni Rabiya ang relasyon nila ni Neil, “We’ve been dating for six years. He’s my first boyfriend… We’ve been together since college,” pag-amin ni Rabiya sa isang interbyu.

Imahe: Neil Salvacion/Instagram

Samantala, ayon sa Kapamilya Online World, isang fan ang nagtanong sa comments section kung okay pa ba sila ni Rabiya at nagsabing i-heart raw ni Neil ang kanyang comment kung oo ang sagot nito. Nag-heart react naman dito ang lalaki na siyang ikanasaya ng fans.