Tulong para sa batang magsasaka na si Reymark bumuhos, may bago pa siyang kabayo!

Nitong linggo lang, ibinahagi ng programang, Kapuso Mo, Jessica Soho ang nakaka-antig na istorya ng isang 10-taong gulang na batang si Reymark Mariano. Sa mura niyang edad, itinataguyod na niya ang pang-araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya sa pamamagitan ng pag-aararo sa bukid.

Imahe: Ronz Yuzon/Facebook

Matapos mapanood ang kwento ni Reymark, marami ang agad na kumilos upang makagawa ng paraan na kahit sa maliit na bagay lamang ay makapagbigay ng tulong sa pamilya Mariano.

Isa na nga rito ang netizen na si Ronz Yuzon. Sa pamamagitan ng isang Facebook post, ibinahagi ni Yuzon ang ilang larawan ng pagbisita nila kay Reymark at sa kanyang pamilya.

Imahe: Ronz Yuzon/Facebook

Makikita rin sa isa sa mga larawan na si Reymark ay nakasakay na sa isang kulay brown na kabayo. May isa ring larawan na may hawak na libo-libong pera si Reymark. May isang video rin ng aktwal na pagbibigay ng kabayo kay Reymark.

Imahe: Ronz Yuzon/Facebook

Ang kulay brown na kabayo pala na nasa larawan ay bagong kabayo na ibinigay ng grupo ni Yuzon sa pamilya ni Reymark. Pero dahil hindi na pinayagan na mag-araro sa bukid ang bata, gagamitin nila ang kabayo sa pagkakarga ng mga gulay o mais galing sa bukid na di kayang pasukin ng motor o sasakyan.

Imahe: Ronz Yuzon/Facebook

Ang intensyon naman ng ibinigay nilang pera ay para makapagsimula ng kahit maliit lamang na negosyo ang pamilya Mariano ng sa ganon ay hindi na sila mahirapan sa pang-araw-araw nilang pangangailangan.


Tunay ngang pinagpapala ang mga taong marunong magtiis at nagsisikap sa buhay. Ipagpatuloy mo lamang ang iyong mabuting gawi, Reymark at tiyak na magiging matagumpay ka rin sa buhay!