Prehistoric na “dumi” ng tao na itinuturing na pinakamalaki, aabot sa 20 cm ang haba

Ang pagdumi ay esensyal na gawain para mapanatili ng isang tao ang kanyang maayos na kalusugan. Pero, sino ang mag-aakala na ang isang ordinaryong bagay na ito ay mapapasama sa mga bagay na itinatago sa isang museum?

Ito na nga ang nangyari sa itinuturing na pinakamalaking “dumi” ng tao sa kasaysayan. Ayon sa News 5, taong 1972 nadiskubre ang nasabing dumi sa Viking settlement sa York, England. Tingin ng mga eksperto, ang diet ng nasabing Viking ay ang pagkain ng maraming karne at tinapay na aiya marahil ang dahilan sa hindi pangkaraniwang laki ng kanyang “dumi.”

Imahe: Linda Spashett/Ladbible

Ang nasabing dumi ay umaabot lang naman ang haba sa 20cm at 5cm naman ang lapad. Hindi mo lubos aakalain na ang ganito kalaking dumi ay mailalabas ng tao sa kanyang pwetan ng buong buo.

Ito rin ang naging malaking palaisipan sa mga researchers na sumuri at nag-aral sa komposisyon ng naturang dumi.

Ayon pa sa Ladbible, lumabas din sa pagsusuri na maaring wala sa maayos na kondisyon ang kalusugan ng taong nagpalabas ng ganito kalaking dumi. May nakita silang “several hundred parasitic eggs” na siya umanong basehan na maaring may “intestinal worms” ang taong ito.

Imahe: Linda Spashett/Ladbible

Dagdag pa ni Gill Snape, isang student conservator, marahil raw ay ilang araw ng hindi nakakapagbawas ang taong ito kaya ganoon na lamang kalaki ang kanyang naging excretion.

Dahil na rin nga sa hindi pangkaraniwang mga katangian nito, ang naturang dumi naman ay itinuturing na kasing halaga ng mga crown jewels kaya naman idi-nisplay ito sa JORVIK Viking Centre sa York.