Low budget na photoshoot, hindi inaasahang ganito ka ganda ang kalalabasan

Ang mga larawan ay nagsisilbing memorya natin sa isang ala-alang maaring malimutan ng ating isip sa pagdaan ng panahon. Kaya naman, marami sa ating mga kababayan ang pinagtutuunan talaga ng pansin at gumagastos pa nga para magpakuha ng litrato.

Pero, ang netizen na si Kenze Malmis Ponce, ibinahagi ang kanyang DIY low budget photoshoot sa kanyang Facebook account na siya namang hinangaan ng maraming netizens.

Imahe: Kenze Malmis Ponce/Facebook

Sa nasabing photoshoot, makikita na mga bata ang siyang subject ni Ponce. Hindi rin engrande ang kanyang set-up dahil nasa bakuran lamang ito.

Imahe: Kenze Malmis Ponce/Facebook

Sa unang bahagi, makikita ang behind the scene na nagpi-piktyur si Ponce sa isang batang nakasuot ng bota habang nakaupo sa isang kumpol ng buhagin at hollow blocks habang may hawak na maliit na pala.

Noong nilabas na ang finished product ng naturang photoshoot, hindi mo aakalain na kuha lamang ito sa isang simpleng bakuran dahil napakaganda ng pagkaka-edit at napaka-cute rin ng batang model.

Imahe: Kenze Malmis Ponce/Facebook

Imahe: Kenze Malmis Ponce/Facebook

Ang isa pang behind the scenes ay nagpapakita naman ng isang batang nakalambitin sa kahoy na hinahawakan ng dalawang lalaki sa magkabilang dulo.

Imahe: Kenze Malmis Ponce/Facebook

Pero, ang resulta nito ay tila naging real-life tarzan ang bata! Dagdag pa rito ang nakangiti niyang mukha na nagpapakitang nag-eenjoy siya sa ginagawa.

Imahe: Kenze Malmis Ponce/Facebook

Imahe: Kenze Malmis Ponce/Facebook

Mayroong ring batang pinasuot ng balat ng pakwan at makikitang pinapatawa ng kanyang mga kapamilya sa behind the scene photos.

Imahe: Kenze Malmis Ponce/Facebook

Ang finished product naman nito, ang cute na cute na bata ay kinain pa ang pakwan habang nakangiti. Walang mag-aakala na ginawa ang photoshoot niya sa bakuran lamang ng kanilang bahay.

Imahe: Kenze Malmis Ponce/Facebook

Isang batang masayang nagbibigay ng pagkain sa mga manok naman ang sumunod na behind the scene photo. Pinayungan pa ng kanyang ina ang bata para hindi ito mainitin.

Imahe: Kenze Malmis Ponce/Facebook

Kaya naman noong lumabas na ang edited version ng kanyang mga larawan, makikitang nag-eenjoy lang talaga ang bata sa isang bagay na normal niyang gingawa.

Imahe: Kenze Malmis Ponce/Facebook

Imahe: Kenze Malmis Ponce/Facebook

Dahil sa mga larawan na ito, marami ang humanga at na-inspire kay Ponce. Ika nga nila, hindi na kailangang gumastos pa sa mahal na photoshoot, ang importante ay ang creativity at tiyaga para makakuha ng magagandang larawan.