Beauty Queen, lumuhod sa paa ng ina bilang parangal at pagpapasalamat

Bukod pa sa pagiging ilaw ng tahanan, ang ating mga ina ay ilaw rin ng ating buhay. Ito ay dahil sila ang nagsisilbing gabay natin sa pagharap sa pagsubok at pagtamasa sa tagumpay sa ating paglalakbay sa buhay.

Kaya naman, anuman ang dumating sa atin, sa hirap man o ginhawa, nararapat lamang na bigyan natin sila ng pagpapasalamat kahit sa maliit lamang na paraan.

Imahe: Artikulo Uno

Para kay Khanitta Phasaeng na nanalo ng Miss Uncensored News Thailand noong 2015, ang pagpapasalamat sa ina niya ay kanya ring idinokumento kasabay ng kasikatang natamo niya dahil sa pagkapanalo sa pageant.

Naging kontrobersyal pa nga si Khanitta dahil nagkaroon ng kontrobersya ang kanyang pagkapanalo. Ito ay dahil nagsinungaling siya noong nag apply siya sa naturang pageant.

Ayon pa sa Artikulo Uno, dinaya niya ang kaniyang application form at sinabing natapos niya ang grade school ng 17 years old. Ngunit ang totoo hindi pa natatapos ni Khanitta ang kaniyang third grade kaya imposibleng nakapasa nga talaga siya sa high school.

Imahe: Artikulo Uno

Ito ay dahil na rin sa kahirapan ng kanyang pamilya at sa katunayan pa nga ay nagtatrabaho bilang garbage collector ang kanyang ina. Ngunit kailanman ay hindi ito ikinahiya ni Khanitta.

Agad nag viral ang 17 years old na beauty queen kaniyang litratong nakaluhod at yumuyuko sa paanan ng kaniyang ina. Kasabay ng pag-viral nito ang pagkabunyag rin ng ilang bagay sa pagkabata ng beauty queen.

Imahe: Artikulo Uno

Siya pala ay tumutulong sa ina na mangalakal ng basura at saka ibebenta ito bago pa man siya naging beauty queen. Isang patunay na hindi makakapigil ang kahirapan sa pag-abot niya ng kanyang pangarap.

Matapos mailabas ang kwentong ito, mas nakita ng sambayanan ang kabutihan ng kanyang puso kaya isinantabi na lamang ang ginawa niyang pagsisinungaling sa kanyang application form.