Babae hindi makapaniwala nang malaman ang “magnanakaw” ng mga perang nawawala

Ang mga daga ay nakatira sa likas na katangian sa mga puno, sa mga hollows, burrows, nests. Pero, marami rin sa mga ito ang pinipiling manirahan sa mga sulok ng bahay kung saan hindi sila agad nakikita ng mga tao.

Pero, paano na lang kaya kung ang isang daga ay hindi lang pala tirang pagkain o gamit ang pinupuntirya sa iyong bahay? Sila rin pala ay pwedeng “magnakaw” ng pera?

Imahe: Sherryl Anlap Tayhopon/Facebook

Ito na nga ang naging karanasan ng isang ginang sa Bacolod City. Ayon sa post ni Sherryl Anlap Tayhopon, matagal na raw siyang nagtataka kung bakita tila palagi na lamang ay “kulang” o may bawas ang perang papel na iniipon niya.

Imahe: Sherryl Anlap Tayhopon/Facebook

Ang perang ito sana ay pantustos niya sa tuition fee ng kanyang mga anak. Kaya naman, labis ang pagtataka ni Tayhopon dahil wala namang ibang taong pumapasok sa kanilang tahanan.

Imahe: Sherryl Anlap Tayhopon/Facebook

Hanggang sa isang araw, nadiskubre niya ang isang hindi inaasahang bagay. May isang alkansya pala sa kanyang dingding at ito ay gawa ng daga na pagala-gala sa kanyang bahay.

Imahe: Sherryl Anlap Tayhopon/Facebook

Ayon sa post, hinabol niya raw ang daga noong nakita niya ito at noong gumamit siya ng flashlight para makita ang maliit na butas sa kanyang dingding, dito na bumulaga sa kanya ang ilang piraso ng perang papel.

Imahe: Sherryl Anlap Tayhopon/Facebook

Mayroong isang libong piso, mayroon rin limangdaan, ilang piraso ng isandaang piso, singkwenta at bente pesos. Hindi na sinabi ni Tayhopan kung magkano ang kabuuan ng perang “itinago” ng daga.

Imahe: Sherryl Anlap Tayhopon/Facebook

Ang ilan sa mga perang papel ay napunit na dahil sa kagat ng daga kaya naman ang tanging hiling niya lang ngayon ay sana ay matanggap pa ito ng bangko at kung maaari ay mapalitan ito ng katumbas na pera.