Video ni Aj Raval habang naglilinis ng kwarto mabilis na nag viral sa Youtube

Maraming mga artista ang kanya-kanya nang upload sa kani-kanilang vlog sa Youtube kung saan ibinabahagi nila ang ilang mga pangyayari o bagay sa kanilang personal na buhay sa likod ng camera. Sa pamamagitan ng mga vlog na ito, mas lalo pa silang nakikilala ng mga fans hindi lang bilang isang artista kundi isang kapatid o kaibigan.

Isa na nga sa mga artistang pinasok ang pagva-vlog ay si AJ Raval. Mabilis na naging viral ang huling video upload niya kung saan naglilinis siya ng kanyang kwarto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


Mabilis na sumikat si AJ sa pelikulang “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar” kung saan nakasama niya ang mga batikang aktres na sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor.

Ang 26 taong gulang na aktres ay naging kontrobersyal rin kamakailan dahil sa daring role niya sa pelikulang “Death of a Girlfriend” kung saan nakasama niya si Diego Loyzaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

Medyo pamilyar rin pa sa inyo ang apelyido ni AJ? Ito ay dahil anak siya ng dating sikat na action star na si Jeric Raval.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


Ang “Cleaning My Room” vlog ni AJ ay naging instant trending dahil maraming netizens ang nakapansin sa kaseksihan niya sa naturang video. Nakasuot siya ng spaghetti strap na damit at shorts habang naglilinis.

Sa ngayon, mayroon na itong 3.5M views.

Kung matatandaan, una ring naka-agaw ng atensyon ang sikat na sexy star ngayon na si Ivana Alawi matapos naging viral ang kanyang video kung saan naglalaba siya na hindi nakasuot ng bra. Sa tingin niyo ba si AJ na ang susunod sa mga yapak niya?