Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel, ibinida ang simpleng bahay na kanyang kinalakihan

Isa sa pangunahing karapatan ng tao ang pagkakaroon ng bahay na matutuluyan. Hindi naman kailangang magarbo ito o gawa sa semento, ang importante ay sama-sama ang pamilya at nararaos ang pang araw-araw na pangangailangan.

Imahe: Sharifa Akeel/Facebook

Kaya naman, marami ang agad na humanga kay Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel noong binalikan niya ang bahay na kanyang kinalakihan at ibinahagi ang mga larawan nito sa social media.

Imahe: Sharifa Akeel/Facebook

Buong pagmamalaking pinakita ni Sharifa ang kanilang bahay sa Lebak, Sultan Kudarat.

Imahe: Sharifa Akeel/Facebook

Marami ang humanga sa beauty queen dahil sa kabila ng kanyang narating sa buhay ay nanatili itong simple at hindi mapagmataas.

Imahe: Sharifa Akeel/Facebook

Sa mga naturang larawan, makikita na gawa sa nipa at kahoy ang malaking parte ng bahay.

Imahe: Sharifa Akeel/Facebook

Kitang-kita rin sa mukha ni Sharifa na proud siyang ibahagi ang parte ng buhay niyang ito sa kanyang mga tagasuporta dahil ito ang naging inspirasyon niya para magpursige sa buhay.

Imahe: Sharifa Akeel/Facebook

Hindi naman nasusukat sa pinagmulan ng isang tao ang kanyang halaga sa buhay.

Imahe: Sharifa Akeel/Facebook

Ang importante, marunong kang lumingon sa iyong pinangalingan at gamitin mo itong inspirasyon para mapabuti ang iyong hinaharap.

Imahe: Sharifa Akeel/Facebook

Dahil sa huli, kung titingin ka sa layo ng iyong narating, magpapasalamat ka sa iyong sarili na hindi ka sumuko at pinili mong magpatuloy sa laban ng buhay.

Imahe: Sharifa Akeel/Facebook

Ika pa nga ni Sharifa, pangarap niyang makapagpagawa ng mansyon para sa kanyang pamilya na siyang tagasuporta niya sa pag-abot ng pangarap niyang maging beauty queen.

Imahe: Sharifa Akeel/Facebook

Si Sharifa Akeel ay isinilang sa Lebak, Sultan Kudarat at may dugong Qatari at Filipino. Siya ang napili mula sa 50 kalahok sa Mutya ng Pilipinas 2018 bilang Mutya ng Pilipinas – Asia Pacific International 2018.