Sa unang tingin, parang totoong tindahan pero mas maganda pa pala ito

Marami tayong mga talentadong kababayan na hindi gaanong napapansin dahil wala silang sapat na outlet kung saan maipapakita ang kanilang mga pambihirang talento. Mabuti na lamang ngayon na mayroon ng social media kung saan sinoman ay pwedeng maging instant sikat sa pamamagitan ng pagiging trending.

Kagaya na lamang ng isang larawang ito ng isang acrylic painting na may titulong “sari sari.” Ang naturang painting ay nagpapakita ng simpleng eksena sa isang tindahan na madalas ay nakikita natin sa mga eskinita kung saan halos lahat ng bagay ay pwedeng mabili.

Imahe: Filipino Painters, Sculptors, Artists & Enthusiasts/Facebook

Ang nagpamangha sa mga netizens ay mistulang totoo ang nasabing painting. Sa isang tingin nga ay mapagkakamalan pa itong kuha mula sa isang camera at hindi gawang kamay ng isang tao.

Kahit pa nga i-zoom ito, makikita talaga ang detalye sa bawat gamit na itinitinda sa “sari sari” na tindahan na ito.

Ayon sa naturang post, ang gumawa ng oil pastel painting na ito ay si Levy A.F. Moncera at nag-rereply pa siya sa mga komento gamit ang kanyang Facebook account sa pangalang Florian Levy Moncera.

Imahe: Filipino Painters, Sculptors, Artists & Enthusiasts/Facebook

Ayon kay Moncera, 33 days bago niya natapos ang oil pastel painting niyang “sari sari.” Dagdag pa niya, dahil oil pastel ang kanyang medium, gumamit siya ng cotton buds at daliri niya para sa pagspread ng kulay sa painting.

Umabot na sa higit 80,000 ang nag react at 30,000 ang nag share sa naturang post sa loob lamang ng 3 araw mula noong ipi-nost ito sa Facebook group na Filipino Painters, Sculptors, Artists & Enthusiasts.