“Spiderman at Captain Marvel” sobrang viral sa live video habang natutulog

Ang pagtulog sa tamang oras ay kailangan ng ating katawan upang manatili itong nasa mabuting kondisyon. Lalo na ngayon na may kinahaharap tayong pandemya, ang kalusugan ay isa talaga sa mga bagay na dapat nating bigyan ng karagdagang pansin.

Imahe: Marnie Saez/Facebook

Pero, kung bibigyan ka ng pagkakataon, gugustuhin mo bang i-dokumento ang buong panahong natutulog ka? Maaring ang iba ay medyo agad na mapapa-ayaw sa tanong na ito pero ang vlogger na si Marnie Saez ay game na game na videohan ang kanyang pagtulog.

Hindi naman siya nabigo dahil umani ng milyong-milyong views ang kanyang video na higit pitong oras ang tagal!

Imahe: Marnie Saez/Facebook

Sa naturang video, si Saez ay nakasuot ng Spiderman na costume kaya naman binansagan na siyang ngayong “Pinoy Spiderman.” May katabi rin siya habang natutulog na isang babaeng nakasuot ng iron man na costume na tinatawag naman niya sa kanyang mga post na “Iron Girl.”

Imahe: Marnie Saez/Facebook

Makikita na sa simula ay naka full Spiderman costume talaga siya mula ulo hanggang paa. Ngunit sa bandang 20 minutes ng video, makikita na hinubad na niya ang maskarang suot niya sa ulo. Marahil ay nainitan na siya o di kaya ay hindi masyadong makahinga kaya niya ito ginawa.

Habang patuloy ang video, hindi na napigilan ng iba na magseng ng kanilang mga “haha” reactions dahil hindi nga naman araw-araw tayong nakakakita ng ganitong klaseng video sa internet.

Imahe: Marnie Saez/Facebook

Ika nga nila, kanya-kanyang trip lang talaga ang mga tao. Kung ito man ang uri ng mga videos na nahiligan ni Pinoy Spiderman, tiyak na marami pa rin naman ang susuporta sa kanya. Umaabot lang naman sa 139,000 ang kanyang followers sa kanyang Facebook account.