Account ni Jam Magno na ban sa Tiktok

Ilang araw na ring palaging trending sa social media ang influencer na si Jam Magno. Siya ay una ng kilala na supporter ng administrasyong Duterte dahil ito ang lagi niyang bukambibig sa kanyang mga social media accounts.

Pero, kamakailan lamang ay biglaang nagkaroon ng maraming bashers si Magno matapos siyang magpahayag ng pamba-bash sa pambato ng Pilipinas sa Miss Universe na si Rabiya Mateo. Unang nang binatikos ni Magno si Rabiya noong kinontra nito ang pahayag ni Pangulong Duterte na hindi “fit” maging presidente ang mga babae.

Imahe: Jam Magno/Facebook

Mas lalo pang uminit ang dugo ng maraming netizens sa kanya noong ipinahayag niyang mas sinusuportahan niya ang pambato ng Thailand at nagbitiw pa siya ng dagdag na pamba-bash kay Rabiya. Nag-upload rin siya ng isang Tiktok video noong May 17 kung saan nakangiti siyang nagsabi ng, “Good morning, Philippines! Good morning, universe. How are we today? Are your bets in the top 10 or top 5?”

Makaraan ang ilang araw matapos ang Miss Universe pageant, isang balita ang bumulaga na naman ukol sa pagkaka-ban ng TikTok account ni Jam Magno.

Ayon sa naturang Chinese Social Media Platform, na-ban ang account ni Magno dahil sa ‘”multiple Community Guidelines violations.” Umaabot sa higit kalahating milyon ang followers ni Magno sa naturang video-sharing app.

Imahe: TikTok

Sa kabila nito, tila hindi natitinag si Jam Magno dahil kaagad rin itong nag-post sa kanyang Facebook page na hindi na raw bago sa kanya ang pagkaka-ban sa TikTok at naka-balik na rin siya dati sa nasabing social media app.