Badjao girl, sobrang ang ganda sa kanyang 18th birthday

Sino ba naman ang makakalimot sa mga trending na larawan ni Rita Gaviola o ang tinaguriang “badjao girl” noong kulamat ito taong 2016? Marami ang agad nabighani sa ganda ni Rita kahit hindi pa ito nakapag-ayos.

Imahe: Facebook

Ang larawang ito ni Rita ang siyang naging trending noon ay isang candid shot habang siya ay namamalimos at kahit nasa gitna siya ng daan, sa ilalim ng maiinit na araw, makikita pa rin ang likas niyang kagandahan.

Imahe: Rita Gaviola/Instagram

Ngayon, makalipas ang halos limang taon, dalaga na talaga si Rita at kamakailan nga lang ang ipinagdiwang niya ang kanyang ika-18 na kaarawan. Sa kanyang Instagram account, nagbahagi si Rita ng ilang larawan sa importanteng selebrasyon na ito sa kanyang buhay.

Makikita na nakasuot ng kulay flesh na ball gown si Rita, naka-ayos ang buhok at mayroon rin itong make-up. Lalo lamang lumitaw ang natural niyang kagandahan kahit pa sa mga medyo fierce niyang mga larawan.

Imahe: Rita Gaviola/Instagram

May isa ring larawan kung saan nakahawak si Rita sa kanyang ama bilang bahagi ng 18 roses na nakasayaw niya sa naturang selebrasyon. “Thank you sa lahat papa iloveyou,” ika pa ni Rita sa caption ng naturang post.

Agad ring naagaw ng mga larawang ito ni Rita ang atensyon ng netizens. Marami ang namangha sa kanyang transformation, ika pa nga nila, puberty hits hard talaga ang kaso ni Rita.

Imahe: Rita Gaviola/Instagram

Unti-unti na ring gumagawa ng pangalan si Rita sa industriya ng showbiz lalo na at umaabot lang naman sa 166,000 ang followers niya sa Instagram. Sa iilang taon pa sa hinaharap, siguradong higit pang sisikat si Rita.