Estudyante, gumawa ng “excuse letter” para makanood ng Miss Universe

Hindi na lingid sa kaalaman ng karamihan na marami talaga sa ating mga Pilipino ang mahilig manood at magbigay ng kani-kanilang opinyon ukol sa mga pageants. Syempre, hindi rin naman kasi nagpapahuli ang ating mga pambato dahil kung hindi man nag-uuwi ng korona ay palaging nasasama sa top contenders.

Ramdam na ramdam na nga rin ang Miss Universe fever kahit sa May 17, lunes (oras sa Pilipinas) pa naman ito gaganapin. Sa katunayan, isang netizen pa nga ang gumawa ng kunwaring “excuse letter” sa kanyang mga teachers dahil sa kagustuhan niyang maka-panood ng live telecast ng Miss Universe.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Ang naturang letter na ipi-nost ni Jenny de los Santos sa kanyang Facebook account at may background pa ng pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.

Sinimulan ni Jenny ang kanyang excuse letter ng pagbati ng pagmamahal at kapayapaan. Kasunod nito ang maikling paliwanag ukol sa pagiging powerhouse ng Pilipinas sa larangan ng mga pageant.

Sa ikalawang bahagi, dito na niya inilahad ang kanyang intensyon na baka raw hindi siya makaka-attend ng kanyang online class dahil manonood siya ng “Most Beautiful Day in the Universe.”

Imahe: Jenny de los Santos/Facebook

Pinangako rin niya na pagkatapos ng show, babalik na siya sa pagiging estudyante at gagawin ang mga requirements na maari niyang na-miss habang nanonood ng Miss Universe.

Agad namang naka-agaw pansin ang excuse letter na ito ni Jenny dahil marami ang natawa rito. Nilinaw rin ni Jenny na hindi naman totohanan ang excuse letter niyang ito at ginawa niya lang ito para sa katuwaan lamang.