Babae, nahuling nakipag-holding hands sa driver ng sasakyang nabangga niya

Ang mga aksidente sa kalye ay isang bagay na palaging nangyayari. Kaya naman, ibayong pag-iingat ang palaging paalala sa mga motorista lalo na kung bumabhaye sila ng gabi dahil mas mahirap makita ang mga kasalubong na sasakyan sa panahong ito.

Kung mamalasin nga at masasangkot sa isang aksidente, dagdag alalahanin pa ang babayarang damage sa nakabanggaan mong sasakyan. Pero, ang isang babaeng ito mula sa Guilin, Guangxi, China ay tila may ibang uri ng pakiki-areglo sa isang lalaking nakabanggaan niya sa gitna ng daan.

Ayon sa World of Buzz, ang babae ay may-ari ng isang brown na BMW na sasakyan at naka-banggaan niya ang isang silver na sasakyan. Sa mga video na kuha ng mga nakakita sa pangyayari, walang sinuman ang mag-aakala na magkagalit ang dalawang panig.

Imahe: Weibo

Ito ay dahil tila nilalambing ng babae ang lalaki at may pahaplos pa ito sa katawan ng naka-itim na lalaki. Mayroon pa ngang ilang sandali na nag-holding hands ang mga ito. Tila wala rin namang bayolenteng reaksyon ang lalaki sa ginagawa ng babae.

Maya-maya pa, nagsabi ang babae na, “Everything can be solved,” sa lalaki, noong nagtanong naman ito kung paano iyon mangyayari, “You can do anything” ang naging sagot ng babae.

Sa isa pang anggulo ng video, makikita ang maamong mukha ng babae habang mahinahon itong nakiki-usap sa lalaki at patuloy ang paghaplos nito sa likod at iba pang bahagi ng katawan ng lalaki.

Samantala, hindi na napag-alaman ng marami kung ano ang napagkasundu-an ng dalawa ukol sa kani-kanilang mga sasakyan. Pero, malay natin, maaring naging epektibo ang “ginawa” ng babaeng ito.