Lola aksidenteng naitapon sa apoy ang naipong pera

Hindi biro ang makatipid at makaipon ng pera lalo na sa hirap ng buhay ngayon. Kaya naman, ang naiipong pera, gaano man ito kaliit o kalaki ay talagang tinatago ng maigi dahil hindi natin malalaman kung biglaang may emergency at kailangan natin ang perang ito.

Labis ang pagkakalungkot ng isang 95 taong gulang na lola matapos aksidente niyang maitapon sa apoy ang perang kanyang naipon. Umabot umana sa PHP14,000 ang perang ito na ilang buwan na ring inipon ni lola.

Imahe: SarahLie Gahis De Guzman/Facebook

Unang ibinahagi ni SarahLie Gahis De Guzman ang kwentong ito ni lola sa kanyang Facebook account. Ayon kay De Guzman, napagkamalan na panggatong ni lola Honarata Gahis ang kanyang wallet na ang laman ay ang naipon niyang pera.

Imahe: SarahLie Gahis De Guzman/Facebook

Ayon naman sa Radyo Bandera, nagsasaing si lola Honorata noong naihagis niya sa apoy ang kanyang wallet. Huli na noong nakita niya ito kaya hindi na niya naisalba pa ang perang kanyang pinaghirapan.

Makikita sa mga larawan na hati-hati na ang ilang isang libong papel na pera. Kitang-kita rin sa mga ito ang marka ng pagkakasunog. Ang iba pa nga ay halos abo na lamang.

Imahe: SarahLie Gahis De Guzman/Facebook

Samantala, nananawagan si De Guzman na sa pamamagitan ng kanyang post ay sana makuha niya ang atensyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas kung maaring mapalitan ang mga perang aksidenteng nasunog ni lola Honorata.

Imahe: SarahLie Gahis De Guzman/Facebook

“Sana po mailapit ito sa bangko sentral ng Pilipinas kung ito po ay pwede pang mapalitan… dahil sya po ay nagsasaing ng mga oras na nangyari po ‘yon,” giit pa ni De Guzman sa kanyang post.

Imahe: SarahLie Gahis De Guzman/Facebook

Si lola Honorata ang 95 taong gulang na at dahil na rin sa kanyang edad, hindi na maiiwasan ang kanyang pagiging makalimutin. Sana nga ay umabot sa may mga mabuting puso ang post na ito ni De Guzman at maabutan ng tulong si lola Honorata.