200 taon na canal, inalisan ng tubig para linisan at ang daming mga bagay na di mo akalain ang nakalubog dito

Ang syudad ng Paris ay kilala sa tawag na “City of Light”, ito ay tanyag rin na destinasyon lalo na dahil sa mga popular nitong sceneries kagaya na lamang ng Eiffel Tower. Pero, kagaya rin ng ibang ordinaryong syudad sa mundo, hindi lamang puro magaganda ang makikita sa Paris.

Imahe: Facts Box/Youtube

Isang halimbawa dito ang Canal Saint-Martin na halos 200 taon na simula noong una itong ipinatayo sa gitna ng syudad.

Imahe: Facts Box/Youtube

Ang kanal na ito ay ipinatayo noong 1802 sa utos ni Napoleon Bonaparte para sana sa tubig na pang-inumin ng siyudad. Ngunit, nabuksan lamang ito halos 23 taon ang makalipas.

Imahe: Facts Box/Youtube

Huli itong nalinisan noong pang 2001. Kaya naman noong nilinisan ulit ito ng mga awtoridad noong 2016, unang binabaan ang lebel ng tubig sa kanal, unang nakuha ang halos 4.5 tonelada ng iba-ibang uri ng isda.

Imahe: Facts Box/Youtube

Pagkatapos nito, ilang toneladang basura ang kanilang nakuha noong naubos na ang tubig sa kanal. May basyong bote ng iba-ibang inumin, plastic at marami pang iba.

Imahe: Facts Box/Youtube

Ngunit, ang siyang nagpagulat sa kanila ay mayroong mga bisikleta na nakita habang pababa patuloy sa pagpapababa ng tubig sa kanal.

Imahe: Facts Box/Youtube

Mayroon pa ngang mga motorsiklo na tila inabandona na lamang. Ang mga ito ay nasa gilid na parte ng naturang kanal.

Imahe: Facts Box/Youtube

Ang mas nakakagulat sa lahat ay ang isang inidoro na nakita sa gitna ng kanal. Palaisipan pa rin sa mga awtoridad kung paano ito napunta rito.

Samantala, ang pagpapalinis sa kanal ay isa sa mga proyekto ng syudad upang sa mas madaling panahon ay madisiplina ang mga tao na huwag ng magtapon ng basura sa naturang kanal.

Ito na rin ay naayon sa kanilang programa na malinis ito at sa ilng taon ay maging atraksyon na rin bilang isang lugar na pwedeng languyan ng mga tao kagaya ng maraming kanal sa ibang European na mga bansa.