Donnalyn, ibinahagi ang “sugar daddy” offer na natanggap niya mula sa isang prinsipe

Ang 7 million followers ni Donnalyn Bartolome mula pa lamang sa kanyang Youtube channel ay patunay ng kanyang kasikatan hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Dahil na rin sa charming look niya at pagiging talented, hindi na nakakagulat na marami ang nabibighani sa kanyang kagandahan.

Sa latest vlog ni Donnalyn, ibinahagi niya ang “sugar daddy applicants” daw niya. Nagsimula ang lahat ng ito noong may isang poser na gumamit ng kanyang mga larawan para manawagan sa Facebook.

Imahe: Donnalyn Bartolome/Youtube

Ayon sa poser, siya daw ay single mom at kailangan niya ng makakasama sa buhay. Natawa lamang si Donnalyn habang binabasa ang kumento ng maraming tao sa naturang post.

Imahe: Donnalyn Bartolome/Youtube

May mga nagsabi na handa silang makasama ang nasabing poser sa iisang bubong at alagaan ang kanyang anak. May iba pang nag-offer na handa silang maging sugar daddy niya!

Sa kabilang dako, hiningi ni Donnalyn ang opinyon ng mga malapit sa kanya kasama na ang kapatid, daddy at manager niya ukol rito.

Dito na ibinahagi ni Donnalyn na noon pa man, nakakatanggap na siya ng indecent proposals sa iba-ibang tao. May mga nag-eemail sa kanya na handa raw silang magbayad para maka-date siya.

Imahe: Donnalyn Bartolome/Youtube

May isa pa raw na prinsipe mula sa ibang bansa ang nag-iwan ng mensahe sa kanya at nag-offer ng pera, gold at Lamborghini. Sinang-ayunan rin ito ng kanyang manager na si Toby Ayre.

Sa kabila nito, ayon kay Donnalyn marami man siyang natatanggap na mga offer na tulad nito, para sa kanya, “a girl who can take care of [oneself] is the best.”

Nag-iwan rin si Donnalyn ng mensahe para sa kapwa niya mga babae at ito ay “ You’re fine on your own. The only reason for you to be with someone is love — nothing else.”