Turista “nahimatay” matapos aksidenteng makasira ng bracelet na million ang halaga

Kung bumabyahe man tayo, o di kaya’y nagwi-window shopping lang sa mga mall, palaging bilin ng ating mga magulang na huwag galawin ang kung ano-ano. Lalo na ang mga bagay na babasagin o di kaya’y mga alahas dahil kung mamalasin at masisira natin ito, maaring mahal ang halaga ng mga bagay na ito.

Kaya naman, labis na gulat ang naranasan ng isang turista sa China noong aksidenteng nasira niya ang isang jade bracelet na nagkakahalaga pala ng 300,000 yuan o umaabot sa PHP2.2 milyon. Dahil sa sobrang gulat, bigla na lamang nahimatay ang ginang.

Ayon sa Daily Mail, naglilibot ang babae sa isang jade market sa Ruili City, south western ng Yunnan province sa China. May natipuhan siyang isang bracelet at kanya itong isinuot, kaya lamang, noong huhubarin na niya ito, aksidente niyang nalaglag ang bracelet at nahati ito sa dalawa.


Agad namang nagbigay pansin sa may-ari ang tunog na gawa ng pagkahulog ng bracelet. Noong sinabi na ng may-ari na ang halaga ng bracelet ay 300,000 yuan, dito na at agad nahimatay ang babae. Tinulungan lamang siya ng kanyang kapamilya upang agad na maka-recover.

Ayon pa sa mga saksi, nag-offer ang pamilya ng babae na babayaran nila ng 70,000 (PHP500,000) yuan ang tindahan ngunit hindi pumayag rito ang may-ari dahil masyado raw siyang lugi rito.

Kaya naman isang independent expert ang kanilang pinagtanungan kung saan na presyuhan ang bracelet ng 180,000 (PHP1,300,000)yuan. Ang halagang ito ang ibinayad ng pamilya sa may-ari ng tindahan ng bracelet.

Ang jade ay itinuturing na isang luxury product sa China dahil ito ay nagre-represent ng good health at long life.