Lalaki na knock out nga ba malaking Isda sa viral video?

Viral ngayon ang isang video kung saan isang lalaki ang naglagay ng maliit na isda sa kanyang bibig habang isinusu-ong ang buong katawan niya sa isang aquarium na puno ng malalaking isda. Maya-maya pa, isa sa mga isa ang sinuggaban ang lalaki sa pag-aakala na ito ay pagkain nila, agad na nahulog ang lalaki sa loob ng aquarium at hindi na ito nakagalaw.

Imahe: Paul Cuffaro/Youtube

Dito na nagtapos ang nasabing viral video at marami na nga ang na-introga ukol sa ano nga ba ang nangyari sa lalaki pagkatapos siyang sunggaban ng isda? Mayroon ring ibang napa-isip kung bakit iyon ginawa ng lalaki kung alam niya na delikado ang mga isda?

Pero bago ang lahat ng iyan, panoorin mula natin ang buong video ng nasabing viral clip:

Kung inyong makikita, oo, hindi totoo na nasaktan o na knock-out ng isda ang lalaking nagngangalang Paul Cuffaro. Ayon sa video ni Paul, joke lamang ang kanyang ginawa at na good time niya naman ang mga kaibigan niya na halos magpanic na kung inyong maririnig sa nasabing video.

Imahe: Paul Cuffaro/Youtube

Ang mga viral clips pala ay mga cut lamang na parts ng buong video ni Paul at hindi na inabot ang parte kung saan tumatawa siya at nagsabing practical joke lamang ang kanyang ginawa.

Samantala, ang Youtube Channel naman na Predatory Fins na siyang lugar kung saan nangyari ang viral video ni Paul ay naglabas rin ng kanilang maikling pahayag ukol sa pangyayari.

Imahe: Paul Cuffaro/Youtube

Ayon sa may-ari, nakatanggap siya ng maraming mga mensahe sa iba-ibang tao sa buong mundo matapos mag-viral ang clip ni Paul. Ito rin ang nag-udyok sa kanya na gumawa ng video para ipaliwanag ang buong pangyayari.

Ayon sa kanya, ang grupo ni Paul ay gusto sanang makapanood kung paano nila pinapakain ang mga isda ngunit isa sa kanilang mga filtration ay nasira noong panoong iyon. Kaya naman, nag-suggest si Paul na personal niya na lamang na susubukan ang pagpapakain sa isda. Ito na nga ang kinalabasan.

Paliwanag pa ng may-ari, mas mabuti raw na panoorin na lamang ang buong video clip na ini-upload rin ni Paul sa kanyang Youtube channel para makita ang tunay na buong pangyayari.