Kapitan ng barko na 7 taon ng nawawala, natagpuan ang mummified na katawan sa loob mismo ng barkong sinakyan niya.

Tubig ang umuukupa sa 75% ng ating mundo. Kaya naman, malaking bahagi ng ating karagatan ang nananatiling misteryoso kahit maraming taon na itong pinag-aaralan ng mga siyentipiko.

Ngunit, hindi lamang ang mismong karagatan ang isang misteryo para sa karamihan, maging ang ilan sa mga barkong naglalayag rito ay paksa na rin ng mga kwento-kwento.

Imahe: Buzznick

Kagaya na lamang ng kwento ng isang German adventurer na si Manfred Fritz Bajorat. Siya ay isang sikat na maglalayag na halos nalibot na ang mundo sa nakaraang 20 taon. Madalas niyang kasama sa mga ekspidisyon ang kanyang asawa hanggang sa maghiwalay sila noong 2008. Kalaunan pa nga ay namatay ito noong 2010 dahil sa cancer.

Imahe: Buzznick

Sa kabila nito, nagpatuloy si Manfred sa kanyang paglalayag at huli siyang namataan sa Mallorca, Spain noong 2009. Simula noon, wala ng naging balita sa kanya.

Imahe: Buzznick

Hanggang sa isang araw sa taong 2016, dalawang mangingisda sa karagatan ng Pilipinas ang nakakita ng isang barkong nahati sa dalawa. Dahil sa kuryosidad, pinasok nila ang nasabing barko at dito na sila nakakakita ng mummified na katawan ng isang lalaki.

Imahe: Buzznick

Ayon sa Buzznick, ang lalaking ito pala ay si Manfred Fritz Bajorat. Sa pagkakakita sa kanyang katawan, agad na umusbong ang mga tanong ukol sa kanyang paglalayag at lalo na sa kanyang pagkamatay.

Imahe: Buzznick

Ayon sa imbestigasyon, noong pinasok ng mga awtoridad ang barkong sinasakyan ni Manfred, nakakita sila ng maraming larawan at maging mga canned goods.

Imahe: Buzznick

Agad na umusbong ang mga haka-haka na maaring maging sagot sa misteryo ng pagkakawala at pagkakmatay ni Manfred ang mga larawang nakita sa kanyang barko.

Imahe: Buzznick

Ngunit, ayon sa mga forensic experts, wala silang nakikitang foul play sa nangyari kay Manfred. Ito ay dahil nakaposisyon ang kanyang katawan na tila hindi inaasahan ang kanyang pagkamatay. Maaring heart attack ang naging sanhi nito.

Imahe: Buzznick

Naniniwala rin ang mga imbestigador na ang hanging dagat, mataas na temperatura at maalat na hangin ang siyang naging rason sa pagkaka-preserve ng kanyang katawan.

Imahe: Buzznick

Sa kabila nito, marami pa ring iba-ibang teorya ukol sa pagkamatay ni Manfred. Pero sa ngayon, wala ng ibang makakapagpatunay ng alin man sa mga ito.