Ginang na namatay ng dalawang oras biglang nabuhay?

Maraming uri ng milagro ang nangyayari sa ating buhay sa bawat araw. Maaring ito ay ang pagmamahal ng mga taong malapit sa atin, maari rin itong isang bagay na matagal na nating panalangin o ang simpleng paggising natin sa bawat araw, lahat ng ito ay maituturing na milagro.

Pero, ang istorya ng isang ginang mula sa Iloilo ay paksa ngayon ng mga usap-usapan sa kanilang lugar matapos umano siyang mabuhay muli! Ayon sa Kapuso Mo, Jessica Soho, si Ginang Violeta Dioso ang siyang babaeng nakaranas ng milagro.

Sa sanaysay ng asawa niyang si Zaldy Dioso, noong daw April 28, 2021, nagkausap sila ng asawang si Violeta habang nanonood ng telebisyon at may mga habilin na raw ito sa kanya na tila nagpapahiwatig ng kamatayan nito.

Noong alas onse ng gabi, bigla na lamang inatake ng asthma si Violeta. Hanggang sa bigla na lamang itong nawalan ng hininga. Wala na rin itong pulso, nangitim ang mga kuko at nanigas na ang buong katawan.

Nag-iyakan na rin ang mga anak ni Zaldy at dito na siya humingi ng tulong sa kanyang mga kapitbahay. Agad namang rumesponde ang hipag ni Zaldy na si Lorena na isang midwife.

Ayon sa kanya, isa siya sa mga makakapagpatunay na talagang namatay na si Violeta.

Noong mga panahong iyon, nag-alangan na rin ang pamilya na dalhin pa si Violeta na ospital. Kaya naman, laking gulat nila ng matapos ang dalawang oras ay bigla itong nagmulat ng kanyang mga mata. Kasunod nito ang pagbabalik ng init sa kanyang katawan.

Ngayon, buhay na buhay si Violeta at tila walang nangyaring ganoon sa kanya dahil sa pagkaka-alala niya raw ay mahimbing lamang siyang natulog.

Ayon naman sa isang Neurologist na si Dr. Epifania Collantes, possible naman talaga na ma-revive pa ang isang tao matapos itong mawalan ng hangin at ganito raw ang nangyari kay Violeta. Maari rin daw na maganda ang circulation ng dugo sa katawan ni Violeta na sa kabila ng kawalan niya ng oxygen ay patuloy sa pagtibok ang kanyang puso kaya na revive pa rin siya kahit ilang oras na ang lumipas.

Sa kabila nito, ang pangyayaring naranasan ng ni Violeta at ng kanyang buong pamilya at habangbuhay na nilang dadalhin at kanilang buhay na patunay na totoo ang milagro at ang panginoon.