Lalaki di makapaniwala sa nakita nang buksan ang pintuan ng biniling lumang sasakyan

Kung pera ang pag-uusapan, marami ang agad na magiging interesado rito. Mas lalo na kung ang pinag-uusapan ay malaking halaga at nakuha ng sinuman sa isang hindi inaasahang paraan. Kagaya na lamang ng istoryang ibinahagi ng isang lalaki kung saan nakakita siya ng limpak-limpak na salapi sa kanya mismong sasakyan.

Ayon sa Buzznick, isang hindi pinangalanang lalaki ang nagmamay-ari ng isang second hand na sasakyan at naging kanya ito ilang taon na ang nakakalipas. Isang araw, nagulat siya na bigla na lamang hindi gumana ang isang bintana sa nasabing sasakyan.

Imahe: Buzznick

Dahil mayroon naman siyang kaunting kaalaman sa pagkukumpuni nito, siya na mismo sumubok na tignan kung ano ang nangyari. Noong naalis niya na ang plastic mula sa door panel, may napansin siyang isang itim na plastic bag na hindi dapat normal na naroon.

Imahe: Buzznick

Ipinagpalagay niya na ito ang naging dahilan ng hindi paggana ng nasabing parte ng kanyang sasakyan. Kaya naman, sinubukan niya itong kunin at dito na siya nagulat dahil parang sinadya ang pag-ipit sa itim na plastic bag sa naturang lugar.

Imahe: Buzznick

Noong binuksan na niya ito, una ay inakala niya na droga ang laman nito dahil nasa maliliit ito na tila box na kulay grey. Ngunit, laking gulat niya na dolyares na pera pala ang laman ng mga ito. Nasa iba-ibang denominasyon pa ang mga nasabing pera.

Imahe: Buzznick

Hindi halos akalain ng lalaki ang nakita at kung titignan ay siguradong aabot sa ilang libong dolyar ang halaga nito. Kung gaano na ito katagal na nakatago sa sasakyan, iyon ay walang sinumang  makakasagot.

Imahe: Buzznick

Masasabi na ring tila nanalo sa lotto ang lalaking ito sa laki ng perang kanyang natagpuan sa loob lamang ng kanyang sasakyan!