Lalaki inilahad ang pagtataksil ng asawa sa mismong baby shower nila sa harap ng pamilya

Ang pagkakaroon ng anak ay isang biyayang maituturing sa buhay ng mag-asawa lalo na at isang buhay ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan at ang buhay na ito ay kanilang ipapakilala sa mundo. Pero, ano nga ba ang iyong magiging reaksyon kung malaman mong ang dinadalang tao ng iyong asawa ay hindi mo pala anak?

Isang video ang naging viral sa Bolivia kung saan makikita ang lalaki na naghiganti sa kanyang asawa sa pamamagitan ng paglahad sa pagtataksil nito sa araw mismo ng kanilang baby shower. Sa naturang video, makikita ang isang lalaking nakakulay blue na damit na nakaharap sa mga bisita habang hawak ang mikropono.

Imahe: PoloBoiBoi/Youtube

Ayon sa Elite Readers, ang lalaking ito ang siyang asawa ng babaeng buntis na naka-pink na damit na makikita rin sa video. Maya-maya pa, biglang ipinakilala ng lalaking nagsasalita ang kanyang abogado na naka-upo lamang. Ayon pa sa lalaki, mayroong siyang hawak na pregnancy test na magpapatunay na magiging ama na siya.

Imahe: PoloBoiBoi/Youtube

Ngunit, may hawak rin siyang dokumento na nagpapatunay na ang kanyang asawa ay anim na buwan na palang buntis at hindi apat na buwan. Dito na rin tumayo ang kasama niyang abogado sabay pakita ng isang video sa dala nitong laptop.

Imahe: PoloBoiBoi/Youtube

Ang nasabing video ay nagpapakita ng pagtataksil ng babae sa kanyang asawa. Dahil sa naging rebelasyon, napatayo ang babae sa kanyang kinauupuan upang pigilan sana ang lalaki ngunit huli na ang lahat at desidido na ito sa pag-iwan sa kanya.

Imahe: PoloBoiBoi/Youtube

Dahil na rin nga sa nasabing video, nalaman ng lahat ng bisita na ang kalaguyo pala ng babae ay kaibigan rin ng kanyang asawa at ang masama pa, kasama pa nila mismo ito sa naturang baby shower!

Dahil sa galit ng mga kamag-anak, binato nila ng kung ano-ano ang kalaguyong lalaki hanggang sa mapalabas na ito sa venue ng naturang masaya sanang selebrasyon. Narito ang buong video: