Trending: “Slapsoil” experience ng isang babae matapos tanungin ng boss sa kanyang takeaway sa sosyal na event

Mayroon talaga tayong mga sabaw moments paminsan-minsan sa ating buhay na kung ating babalikan ay matatawa na lamang tayo at mapapa-isip kung bakit at paano natin nagawa iyon.

Isa na nga ang istoryang ibinahagi ng netizens sa isang Facebook group na Home Buddies (Hampaslupa version) sa mga nakakatawang sabaw moments na ito.

Imahe: Peter Simon Valad-on/Facebook

Ayon kay Hazel, mayroon raw isang corporate event ang kompanyang kanyang pinagtatrabahu-an na ginanap sa Makati. Nag-offer ang pinaka-boss ng kanyang kompanya na ihatid na lamang siya kasama ang kanilang manager at isa pang associate rin sa kompanya.

Habang bumabyahe na, nagsimula nang mag-usap ang grupo. Nagkataon rin na natanong si Hazel ng manager ng “So Hazel, what are your takeaways?”

Agad na na-alarma si Hazel sa tanong na ito. Agad siyang napatanong sa sarili kung nakita ba siya ng manager na bumalot ng mga pagkain sa kanilang buffet. Napa-isip rin siya kung bakit ganito ang tinatanong sa kanya ng kanyang manager.

Imahe: Peter Simon Valad-on/Facebook

Kaya naman, humugot ng malalim na hininga si Hazel at sinagot ang taong ng manager. Sabi pa niya, “yung roast beef po na may sauce sir tsaka creamy chicken in white wine sauce po yata yun medyo mahaba po yung name e. Meron din po akong naiplastik na macaroons and cupcakes. Gusto niyo po?”

Maya-maya pa ay nakita na ni Hazel na maling-mali ang kanyang ginawa dahil sobrang nabigla ang mga kasamahan niya sa sasakyan sa kanyang pinagsasabi.

Sa mga hindi nakaka-alam, ang ibig sabihin ng takeaways na tinutukoy ng manager rito ang konklusyon o di kaya ay mga natutunan ni Hazel sa ginanap ns corporate event ng kanilang kompanya.