Online seller milyonarya na sa edad na 22

Sa gitna ng pandemya, maraming negosyo ang nagsara na naging dahilan upang mawalan ng trabaho ang marami nating kababayan. Pero, may iba ring kahit gaano kahirap ang sitwasyon, nagagawa pa ring maghanap ng mapagkakakitaan.

I’M MILLIONAIRE AT 22!! 🥂🎉

Kanina pag punta ko sa coop para mag deposit mangiyak ngiyak ako sa tuwa 😭Sobrang special ng…

Posted by Joyce Sibayan on Monday, April 26, 2021


Isa na nga rito ang 22 taong gulang na si Joyce Sibayan. Aba’t hindi lang siya simpleng nakahanap ng mapagkakakitaan kundi naging milyonaryo pa sa kanyang murang edad.

Sa ulat ng GMA news, si Sibayan ay isang online seller sa nakalipas na isa at kalahating taon. Siya rin mismo ay hindi makapaniwala na sa natupad niyang goal sa kanyang buhay.

Kwento pa ni Sibayan tunay na masaya siya sa achievement na ito pero hindi rin biro ang pinagdaanan niya bago niya ito nakamtan. Aniya, may mga kabiguan din siyang naranasan tulad ng pagsasara ng dati niyang negosyo. Kabilang sa mga sinubukan niyang ibenta ay ang chili garlic oil, pre-loved clothes, at cosmetics.

Itinuring rin siyang “bad influence” sa mga tao sa paligid niya noong kanyang kabataan. May mga pagkakataon pa nga raw na mismong mga magulang niya ang nagrereport sa kanya sa mga pulis.

Ngunit, ang lahat ng ito ay hindi naging hadlang para sa pagsusumikap ni Sidayan. “Hindi ko ini-expect na maaabot ko siya kasi akala ko medyo matagal pa. Tapos sabi ng teller [sa bangko], ‘hala, milyonarya ka na sobrang bata mo namang maabot yan,’” masaya niyang kuwento.

Aminado rin si Sibayan na kailanman ay hindi siya naging magaling sa academics sa eskwelahan pero nangibabaw raw sa kanya ang diskarte, sipag at tiyaga para maabot niya ang tinatamasa niya ngayong tagumpay sa buhay.