“Mareng Camel” trending dahil sa pagiging kahawig ni Camille ng Jamill

Hindi maikakaila na isa sa mga pinakasikat na vloggers sa Pilipinas sina Camille Trinidad at Jayzam Manabat o mas kilala sa kanilang loveteam na “Jamill.” Sa loob ng maraming taon, marami na ring kinaharap na intrigi ang dalawa na sumubok sa kanilang relasyon.

Kamakailan lamang nga ay nadagdag rito ang diumano ay pagtataksil ni Jayzam kay Camille. Sa lahat ng eksena at tsimis na ito ay laging present si Senyora.

Imahe: Keziah Shine/Facebook

Kaya naman, agad na naging trending ang tinatawag nila ngayong si Mareng Camel dahil sa pagkakahawig niya sa orihinal na Camille Trinidad.

Una siyang na feature sa post ni Senyora na may caption na “Hirap na masaktan sa panahon ngayon. Stay strong. Laban lang.” Agad naman itong tinangkilik ng netizens.

Imahe: Keziah Shine/Facebook

Si Mareng Camel ay kilala sa pangalang Keziah Shine na siyang ginagamit niyang pangalan sa kanyang Facebook account. Ang kanyang mga larawan na kumakalat na ngayon ay pawang mga selfie niya habang nakaupo sa isang pulang sofa.

Ito ay pi-nost niya noon pang 2020 na may kasama pang caption na “Love is not about Beauty. It’s about happiness.”

Imahe: Keziah Shine/Facebook

At sino ba naman ang mag-aakala na si Keziah ay isa rin pa lang vlogger! Sa kanyang Youtube channel naman ay gamit na niya ang kanyang tunay na pangalan na Ericson Corate.

Si Ericson ay tubong Tacloban City at makikita rin sa kanyang mga vlog at posts na mayroon siyang mga pinapatungkol kay Camille. Marahil ay marami na rin ang nakapagsabi sa kanya ng pagkakahawig niya sa vlogger.

Narito ang isang vlog niya kung saan ipinakita niya ang nabili niyang mga veneer. Panoorin: