Literal na face shield kinatutuwaan sa social media

Sa gitna ng pandemyang ating kinakaharap, may ipinatutupad na minimum health standards ang ating gobyero upang maibsan ang hawahan sa maraming tao. Ang minimum health standards na ito ay napapalooban ng pagsusuot ng face mask, face shield at pagpapatupad ng social distancing.

Sa kabila ng halos isang taon ng pagpapatupad nito, may mga pagkakataon pa rin na medyo nakakalimot ang iba nating kababayan.

Kagaya na lamang ng lalaking ito na imbes na ang aktwal na faceshield ang kanyang suot, nilagay niya sa loob ng facemask ang box na lalagyan ng faceshield at ito ang nagsilbing “shield” niya.

Ang larawang ito ay unang ipi-nost ni Gudito Bautista Gomez Jennelyn sa kanyang Facebook account. Sa nasabing larawan, makikita ang lalaking nakasuot ng grey na may itim na damit na naka-upo sa loob ng isang jeep at una mo talagang mabibigyang pansin ang kakaibang face shield na suot niya.

Imahe: Gudito Bautista Gomez Jennelyn/Facebook

Wala man lamang ito butas para makakita siya kaya marami ang nagtatanong kung talaga bang totoo itong pangyayari o katuwaan lamang sa pagitan ng mga magkakaibigan.

Gayunpaman, maraming netizens pa rin ang natawa sa itsura at pakulo ng lalaking ito kaya naman hindi na nakapagtataka na naging instant trending ang post matapos lamang ang ilang oras simula ng una itong ibinahagi sa social media.

Ang mga pagkakataong kagaya nito ay nagpapakita lamang ng positibong pag-iisip ng mga pinoy at ang likas nating pagiging masayahin kahit gaano man kahirap ang ating sitwasyon at ang hinaharap nating suliranin.