Engineering student umaatend ng online class habang nagtatrabaho sa nagtatrabaho sa construction

Isa sa mga pinakamalaki ang pinagbago ngayong panahon ng pandemya ay ang nasa sektor ng edukasyon. Ang noong araw-araw na klase na ginagawa sa apat na sulok ng classroom ay napalitan na ngayon ng modular at online learning.

Dahil nga marami sa mga estudyante ang wala namang internet connection sa kanilang tahanan, ang iba ay lumalabas pa para makahanap ng signal at ang iba naman ay kailangan pang magtrabaho para may pambili ng gadget at load na gagamitin sa online class.

Imahe: Justin Veras/Facebook

Kaya naman, gayon na lamang ang pagkaka-awa at pagkaka-touch ng guro na si Justin Veras sa nasaksihan niya mismong pagsisikap ng isa sa kanyang mga estudyante na makapag-aral pa rin kahit sa gitna ng kanyang trabaho.

Ayon sa Facebook post ni Veras, nag-oonline class siya at napansin niya ang isa sa mga estudyante niyang palagi mang attentive sa klase ay tila may ibang ginagawa base sa video na makikita sa kanyang background. Maya-maya pa, nagsabi na ang estudyante ng “Sir, pasensya na po kayo nasa construction site po ako.”

Habang patuloy ang diskusyon sa klase, napansin ni Veras na ang mga tao sa background video ng naturang estudyante ay nagpapala, mayroon ring hagdan at iba pa.

Imahe: Justin Veras/Facebook

Dito na napansin ni Veras na nagtatrabaho pala ang estudyante niya habang nakikinig ito sa kanyang klase. Labis siyang na touch sa determinasyong nakita niya rito.

Ayon pa sa nasabing post, ang naturang estudyante na minabuti niyang hindi pangalanan ay kumukuha ng kursong computer engineering. Sa pinakita nga nitong pagsisikap at determinasyon, hindi malayong maabot talaga ng estudyanteng iyo ang kanyang pangarap.

Saludo kmi sa iyo at sana ay ipagpatuloy mo pa ang iyong mabuting gawi.