Donnalyn Bartolome perfect response sa mga nagsasabing dapat na siya mag-asawa

Bilang tinaguriang “social media goddess” hindi na nakakagulat ang paglalahad ni Donnalyn Bartolome ng mga pangyayari sa kanyang araw-araw na buhay at maging ang kanyang mga achievement sa buhay sa kanyang mga followers sa iba-ibang social media platforms.

Kamakailan nga ay nagbahagi si Donnalyn ng isang vlog kung saan nag-react siya sa kanyang mga lumang larawan. Isa na nga rito ang larawan niya noong 17 taong gulang pa lamang siya na halos 9 na taon na ang nakalipas. Maraming netizens ang natawa na lamang at mayroon ring ibang tila may ibang kumento sa mga larawan ni Donnalyn.

Dahil nga rito, sa kanyang Facebook account ay nagbahagi si Donnalyn ng screenshots ng ilan sa mga kumentong ito kasama na ang kanyang mga naging bwelta.

Ito ang larawan ni Donnalyn noong 17 taong gulang pa lamang siya na isa sa mga larawang ipinakita niya sa kanyang vlog:

Imahe: Donnalyn Bartolome/Facebook

Isang follower ni Donnalyn ang nag-iwan ng kumento na na dapat daw ay mag-anak na siya dahil mahirap ang tumanda ng walang anak. Bwelta naman ni Donnalyn, “Mas mahirap tumanda na gagawing retirement ang mga anak.”

May isa pang nag-iwa naman ng kumento na tumantanda na daw si Donnalyn pero wala pa rin itong pinapakilalang jowa. Sinagot naman ito ng vlogger ng pabalang at nagsabing, “Bakit? Magulang ba kita?”

May isa pang nagsabi naman na dapat raw ay mag-asawa na si Donna dahil mahirap raw tumanda ng mag-isa. Bwelta naman ng singer, “Mas mahirap tumanda na mali ang pinakasalan.”

Sa kanyang post, ipinaliwanag ni Donnalyn na wala siyang intensyon na maliitin ang opinyon ng kung sino man. Ayon sa kanya, “just sharing our thoughts” lamang ang naging sagutan nila ng kanyang mga followers at “no hard feelings” naman ang lahat ng ito.