Ellen Adarna ipinakita paano mag awra ang isang full time “mama”

Si Ellen Adarna, bukod sa kanyang kaseksihan ay kilala sa kanyang pagiging prangka at walang prenong pagsasalita lalo na sa kanyang mga haters. Hindi na rin lingid sa kaalaman ng marami na ang 33 taong gulang na aktres ay isa nang mommy sa anak nitong si Elias.

Kahit na may anak na, hindi pa rin nawawala ang alindog at seksing pangangatawan ni Ellen. Kamakailan lamang ang naging kontrobersyal muli ang aktres matapos nilang ilahad ng aktor na si Derek Ramsay ang kanilang relasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by EA (@maria.elena.adarna)

Nito nga lang March 30 ay na engage na ang dalawa matapos mag surprise proposal si Derek sa aktres.

Sa latest Instagram posts naman ni Ellen, makikita na ang buong pamilya nila ay pumunta sa isang beach resort. Sa isang partikular niyang post, makikita na naglalaro si Elias sa buhangin habang todo awra naman ang aktres sa camera.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by EA (@maria.elena.adarna)

Ayon pa sa Push, ang nasabing post ay sinamahan pa ni Ellen ng caption na “mum lyfe but awra is also important.” Sa naturang post, may nasali ring dalawang video kung saan sinisikap ni Ellen at ng kanyang mga kasama na mapaharap si Elias sa camera para magkaroon ito ng magandang kuha pero binalewala lamang sila ng bata. Patuloy lamang ito sa paglalaro sa buhangin.

Kita rin sa nasabing mga video ang pagiging hands-on mom ni Ellen at ang napaka-cute na si Elias na tila walang nakikitang camera sa harap nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by EA (@maria.elena.adarna)

Dahil nga puro beach photos ang mga post ni Ellen, mayroon rin syempre na kasama niya ang kanyang fiance na si Derek na siya namang pinag-piyestahan ng netizens dahil parehong sexy ang engaged couple.