Bride, binebenta ang wedding package na kinuha dahil sa kasal na hindi matutuloy

Ang kasal, bukod sa isang beses lamang nangyayari sa buhay ng isang tao ay isa ring taimtim na selebrasyon ng pagmamahalan ng dalawang tao. Kaya naman, lubos itong pinag-paplanuhan at kadalasan rin ay malaking pera ang naigagastos para rito.

Ngunit, ano kaya ang mangyayari kung ang lahat ng preparasyon ay mauuwi lamang sa wala? Ito ang naging malungkot na karansan ng soon-to-be bride sana na si Danica Saura.

Ayon sa post ng kanyang kaibigan na si Junesa Ann Infante, si Saura ay 11 taon nang may karelasyon na isang marino. Nakapagdesisyon nga ang dalawa na magpakasal na at ang orihinal na petsa ay noon pang December 21, 2020 ngunit hindi ito natuloy dahil sa ECQ. Na-move ang kanilang wedding date sa March 27, 2021 ngunit dahil nagdeklara ulit ng ECQ, na postpone ito at isinalin sa May 15, 2021.

Imahe: Junesa Ann Infante/Facebook

Ngunit, ilang linggo na lamang bago ang kasal ang nadiskubre ni Saura na hindi lang pala siya ang babae sa buhay ng kanyang mahal. Nahuli ang groom na may kasamang ibang babae sa isang beach.

Imahe: Junesa Ann Infante/Facebook

Dahil dito, nagdesisyon ang bride na wala nang kasal na magaganap. Ngunit, dahil bayad na halos lahat ng reservations nila at mga gamit na kailangan para sa kasal, nagdesisyon rin ang bride na humingi ng tulong sa kanyang mga kaibigan para maibenta ang mga ito.

Narito ang mga bagay na nais ibenta ni Saura:

CASA IBARRA pasay complex
sala de amor venue with buffet, complete package po for 100pax
2300/head
Transferable na po, papagawan ni bride ng contract until next year booking
Total orig price: 230k
Selling: 150k

RINGS 14K gold with diamonds
Male: 7.5
Female:7
Original price: 45k
Selling price: 25k

Imahe: Junesa Ann Infante/Facebook

GOWN: brand new
Size: large to xl
Long trail
Complete accessories
Orig price: 20k
Selling price: 10k

Matapos nga lang ang ilang oras simula ng una itong na post sa Facebook, marami na ang naglahad ng interest sa mga bagay na binebenta ni Saura. Masakit man na panahon ito para sa kanya, tiyak na masaya pa rin siya dahil sa suporta ng mga tao sa paligid niya.