Simpleng kasalan pinuri sa social media

Ang tunay na pag-ibig ay bihira lamang dumating sa buhay ng isang tao. Kaya naman, kapag nakilala na nila ang isang taong nagpapasaya at kumukumpleto sa kanilang buhay, wala nang atrasan at sa simbahan na ang hantungan.

Imahe: Partidarios/Facebook

Hindi naman kinakailangan na magarbo ang isang kasalan, ang importante ay mangibabaw ang pagmamahalan ng dalawang tao at ang kagustuhan nilang makasama ang isa’t-isa sa habambuhay.

Imahe: Partidarios/Facebook

Kaya naman, ganoon na lamang ang paghanga at pagpuri ng mga netizens sa viral na mga larawan ng isang bagong kasal na simple lamang ang mga handa sa kanilang reception.

Imahe: Partidarios/Facebook

Sa nasabing post ng Facebook page na Partidarios, makikita ang bagong kasal na nakaupo sa harap ng isang simpleng lamesa. Mayroon ring mga pink na lobo sa kanilang gilid.

Imahe: Partidarios/Facebook

Sa gitna naman ay isang mahabang lamesa kung saan nakalagay ang mga plato, kubyertos, kanin, ulam at soft drinks. Ang lamesang ito ay marahil inihanda para sa mga principal sponsors ng kasal.

Imahe: Partidarios/Facebook

Labis naman ang kasiyahan ng bride sa simpleng selebrasyon na ito na hindi na niya napigilang mapa-iyak.

Imahe: Partidarios/Facebook

Sa sumunod pang mga larawan ng dalawa, kitang-kita ang kagandahan ng kanilang lugar dahil nagkaroong sila ng mini photoshoot rito.

Imahe: Partidarios/Facebook

Ang bagong kasal ay suot ang kanilang mga damit at bakas sa nga ngiti nila ang hindi mapapantayang uri ng kasiyahan.

Imahe: Partidarios/Facebook

Hindi mo nga aakalain na kuha lng ito malapit sa kanilang bahay dahil napakaganda ng tanawin at sinamahan pa ng magandang sikat ng araw na siyang naging natural na ilaw para sa dalawa.

Imahe: Partidarios/Facebook

Ito ang uri ng ngiti ng isang taong kuntento na sa kung anong mayroon sila sa buhay hanggang nasa tabi nila ang kanilang minamahal.