Mensahe ni Josh para kay Dimple trending sa FB

Madalas, ang pagtatapat ng tunay na nararamdaman ng isang tao sa ay isang bagay na kay daling sabihin pero napakahirap namang gawin. Kaya naman, ang iba ay dinadaan na lamang sa kanilang mga actions o di kaya ay sa mga sulat ang pagtatapat ng kanilang pagmamahal.

Pero sino ang mag-aakala na pati pala ang mga vandalism na makikita natin kadalasan sa mga iskinita ay maari ring maging daan para sa pagtatapat ng isang lalaki ng kanyang pagmamahal sa isang babae.

Imahe: Christian Salvador De Villa/Facebook

Viral ngayon ang ang post ng netizen na si Christian Salvador De Villa kung saan makikita ang larawan ng isang kulay pink na haligi ng overpass. May caption pa ang nasabing post na “sana all Dimple” at “sagutin mo na kasi.”

Ito ay dahil ang nakuhang larawan ni De Villa ay isang pagtatapat pala mula sa isang lalaking nagngangalang Josh.

Narito ang eksaktong mga salita ni Josh sa kanyang pagtatapat ng nararamdaman para kay Dimple. “Mahal kita, alam mo yan. Tanggap kita kung ano at sino ka!”

Imahe: Christian Salvador De Villa/Facebook

Agad namang naka-agaw sa pansin ng netizens ang nasabing larawan dahil vandalism man ito na maituturing, matapang pa rin si Josh sa pagtatapat kay Dimple kahit walang kasiguraduhan kung papansinin o sasagutin siya nito.

Umabot lang naman sa 35,000 ang nag share ng nasabing post at iisa lang ang nais malaman ng lahat ng taong ito, “Sino nga ba si Josh at si Dimple?”

Malamang sa mga susunod na araw ay makikilala na natin sila. Iyan ang dapat nating abangan!