Matapang na diver nakaharap ng malapitan ang dambuhalang Anaconda

Kadalasan, ang mga malalaking ahas kagaya ng anaconda ay makikita natin sa mga pelikula kung saan ang mga ito ay itinuturing na masasamang nilalang na pupwedeng lunukin ang isang tao o mga hayop.

Kaya naman, ganoon na lamang ang pagkakagulat ng isang diver mula sa Brazil matapos siyang magkaroon ng face-to-face encounter sa inaakalang fiction lamang na uri ng ahas na anaconda.

Imahe: Naturee/Facebook

Ayon sa Facebook post ng Naturee, umaabot sa 23 na talampakan ang haba ng nasabing ahas. Kung ikukumpara sa isang taong may average height na 5 feet two inches, umaabot ang haba nito sa pinagsamang apat na tao.

Ayon naman sa Artikulouno, kung sa bigat naman nito ang pag-uusapan, umaabot lang naman sa 100 kilograms o kung ikukumpara ay higit sa dalawang sako ng bigas.

Imahe: Naturee/Facebook

Sa naturang video, makikita na napakaliit lamang ng diver sa tabi ng mistulang dambuhalang kulay brown na anaconda. Kung sinoman ang makakapanood sa video, hindi maiiwasan na matakot dahil baka bigla na lamang tuklawin ng ahas ang diver.

Kahit na hindi sanay ang hayop sa mga camera na nakapaligid rito, mabuti na lamang ay nairaos ang buong pagkuha ng mga video sa ahas na walang masamang nangyayari sa dalawang diver. Sadyang magigiting na tao ang mga diver na ito.

Imahe: Naturee/Facebook

Marahil ay ilang dekada ng namumuhay ang anaconda sa naturang lugar kung pagbabasehan ang laki ng katawan nito.

Gaano man ka nakakatakot ang pisikal na anyo ng anaconda o ang lahat ng uri ng ahas, sila ay gawa pa rin ng diyos na may karapatang mamuhay ng matiwasay rito sa mundo.