Drew Arellano, ipinakita ang tunay na “look” ng work at home na si Iya sa likod ng camera

Simula noong unang tumaas ang mga kaso ng COVID-19 dito sa Pilipinas, unti-unti ring naging work from home ang set-up ng iba-ibang industriya. Lalo na yung mga nagtatrabaho para sa media at sa industriya ng entertainment.

Marami na rin tayong mga nakitang nakakatuwang behind-the-scene na mga eksena at mga hindi inaasahang pangyayari sa mga artista o di kaya mga reporter na ngayon ay bahagi na ng ating learning experience.

Imahe: Drew Arellano/Instagram

Ngayon, ang Chika Minute anchor na si Iya Villania ang kinatuwaan ng netizens matapos ibinahagi ng kanyang asawang si Drew Arellano ang ilang larawan ng host habang nagrereport siya para sa kanyang segment sa 24 oras.

Ayon sa PEP, sa unang Instagram story ni Drew, makikita si Iya sa screen sng isang cellphone at ang taas na kalahating bahagi lamang ng kanyang katawan ang kita. Nakasuot siya ng pink na damit at naka-make-up rin ito. “What you see” ang naging caption ni Drew sa nasabing IG story.

Ito naman ang kuha ni Iya noong lumabas na siya sa telebisyon para sa kanyang Chika Minute segment:

Imahe/ 24 Oras (GMA News)

Maya-maya pa, nag-upload ulit ng isa pang larawan si Drew sa kanyang IG story kung saan full body picture na ni Iya ang kita sa harap ng kanyang work from home set-up.

Makikitang nakasuot lamang si Iya ng pambahay na floral shorts, naka tsinelas ang isang paa niya ngunit ang kabila ay walang suot na kahit na ano.

Imahe: Drew Arellano/Instagram

Kita rin sa nasabing larawan ang buong set-up ni Iya kasama ang kanyang ring light at tripod kung saan nakalagay ang kanyang cellphone. Sinamahan pa ito ni Drew ng caption na “What you don’t see” at “My wife is always ahead of the fashion curve!”